CHAPTER 41: WE NEED TO TALK Tumango ako ng kaunti at pumikit dahil naiiyak ako. Hindi ko pa rin tanggap na niloko ako ni Vladimir dati at pinaniwalang siya si Dimitri. "Oo. Siya ang totoong daddy ko. Anak niya si Vladimir, iyong inakala kong daddy ko pero kapatid ko lang pala," paglilinaw ko dahil halatang naguguluhan din siya. "No way, Rei!" bulalas niya, halatang hindi siya makapaniwala. "I'm sorry, I'll talk to you later!" biglang paalam niya kaya napabangon ako mula sa paghiga at tinignan ang screen ng phone. "Tapos na ba ang break mo?" nagtatakang tanong ko at tinignan kung ilang minuto na kaming nag-uusap. "No. But I need to go back. I'm sorry," paumanhin niya ulit kaya mabilis akong umiling. "Okay lang. Thank you sa time, Lei!" sinserong sagot ko at pinindot na ang end call button para hindi ko na siya maistorbo. Huminga ako nang malalim at muling bumalik sa search engine para magtipa
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-05-14 อ่านเพิ่มเติม