CHAPTER 40: ANXIOUS & WORRIED "Hello po," mahinang bati ko pabalik at nagtanong. "Paano niyo po nalaman na ako 'yong tumawag?" nahihiyang saad ko dahil ayaw ko nang ma-stress lalo sa pagiging kuryoso. Masakit na nga ang puson ko, papasakitin ko pa ang ulo? "Well, you're the only person whom I gave my personal phone number to! At first, I asked to myself, sino ba itong tumatawag na unregistered. Then I remember you and am right!" mahabang paliwanag niya at humalakhak siya kaya kahit papaano ay napangiti ako. Buti pa siya, sinasagot ang tawag ko kahit unregistered pa ang number ko sa kanya. Si Vladimir kaya? Bakit hindi man lang niya sinasagot ang tawag ko? Kakababa lang niya. Baka nga nasa elevator pa lang siya o papunta pa lang sa Parking Lot. Kung nagmamaneho man siya, p'wede namang i-loudspeaker ang phone niya para lang maka-usap ako pero hindi niya magawa! Nakakatampo tuloy! Ang bilis bilis niya pagdatin
Huling Na-update : 2025-05-13 Magbasa pa