Hindi na mapalagay si Francesca. Sabik na siyang makasakay ng barko at makaalis. Inihatid sila ng binabae niyang tiyuhin sa port. Sa wakas ay matutuloy na ang pagnanais niyang makaalis ng bansa. ‘I’m sorry, anak. This is for our own good,’ bulong niya sa isipan nang titigan at halikan sa pisngi ang natutulog niyang anak. “Mag-iingat ka, Francesca..” sambit nito nang hawakan siya sa braso at haplusin ang buhok ng kaniyang anak. “Maraming salamat ulit, tita..” Tumango ito. “Mami-miss uli kita, pamangkin ko.. lalo na ang iyong bibong anak na si Lewis..” Napangiti siya. “Ano ba ‘yan, naluluha tuloy ako. Sige na, mag-iingat kayo ha. Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo sa destinasyon n'yo,” wika nito. “Opo,” tugon niya nang tatalikuran na niya ito para sumakay. Karga-karga niya ang natutulog niyang anak. Sumunod sa kaniya ang kapitan ng barko matapos makipag-usap sa kaniyang tiyuhin. Ito ang nagdala ng kaniyang maleta. Inihatid sila nito sa isang pribado, malinis, maayos
Last Updated : 2025-07-29 Read more