Isang oras nang nakamulat ang mga mata ni Francesca. Hindi siya mapalagay. Kung anu-anong pumapasok sa utak niya. Kanina niya pang pilit na ipinipikit ang mata upang makatulog na pero hindi siya dinadalaw ng antok. Narinig na lamang niyang bumukas ang pinto. Maaring si Javier na iyon kaya't kaagad niyang ipinikit muli ang kaniyang mga mata. Narinig niya ang paglapag ng kung anong bagay sa side table. Maya-maya ay narinig niyang muling nagsara ang pintuan. Lumabas yatang muli si Javier. Iyon ang pakiwari niya.‘Marami siyang itinago sa akin, na ayaw niyang malaman ko..’ Kaagad siyang bumalikwas ng bangon. Itinuko niya sa mga tuhod ang kaniyang magkabilang siko at napasabunot na lamang sa kaniyang buhok. Nakayuko siya habang laman ng isipan ang mga pangyayari kanina. Gulung-gulo pa rin ang kaniyang isipan. Andaming nangyari sa araw na iyon. Maraming bagay ang hindi niya maintindihan na patuloy niyang ikinalilito.Sumasakit lalo ang kaniyang ulo sa tuwing iniisip ang mga bagay na iyon
Kung saan-saan pumasok si Francesca. May ilang mga tauhan na nakabantay. Medyo madilim sa loob kaya't hindi siya gaanong nakikita ng mga ito. Naalala niyang naikot nga pala niya isang beses ang lugar na iyon. Nagpatuloy siya hanggang sa marating niya ang mga rehas na dati ay maraming mga nakakulong na kababaihan na ngayon ay wala na ni isang laman.Muling pumasok sa alaala niya ang mga sinabi ni Dionisio. ‘Ngayong alam na ni Javier ang lahat. Sapagkat ikaw! Ikaw ang dahilan ng lahat ng pagbagsak ko! Dahil sa ‘yo nasira ang pinaghirapan ko!’ Totoo nga siguro ang mga sinabi ni Dionisio. Malayo ang ayos nito ngayon kumpara noon. Ngayon ay parang pinagsakluban ng kahirapan at kamalasan. Lugar na tila nalulungkot. Madilim at tahimik. Ano kaya ang nangyari rito? Narating niya ang isang opisina. Saka lamang nagflashback sa kaniya ang mga natuklasan niya noon tungkol sa ama niya at sa babae nito. Muling nanumbalik sa kaniya ang alaala na ginawa niya dalawang taon na ang nakararaan. Noong
Kinabukasan ay sinamahan siya ni Sen. Javier sa ospital. Humarap sila sa kakilala nitong doctor. Sinabi at ikinuwento nito sa manggagamot ang kaniyang kalagayan. Tiningnan naman siya ng kilalang neurologist kung ano na ang kaniyang health status sa ngayon. Nakita ng doctor kung gaanong napinsala ang kanyang utak sa aksidenteng natamo dalawang taon na ang nakararaan. Matapos ang ilang consultations at ilang procedures. Sinabi ng doctor sa kaniya na may tsansa pang bumalik ang memorya niya ngunit tatagal pa iyon nang mga buwan o ‘di kaya ay taon sapagkat hindi siya agad natingnan noon nang makita siya matapos mangyari ang aksidente.“Mahalaga na natingnan ka sana kaagad noon ng neurologist mo, hija. Napabilis sana ang iyong paggaling. But, don't worry. Even it takes time to heal, fortunately, malaki ang chance na bumalik ang iyong alaala.” Nakahinga siya nang maluwag sa balitang iyon.“Marami pong salamat, doc,” magalang niyang wika. Matapos siya nitong kausapin ay lumabas na siya
Mabilis siyang hinapit sa bewang ng senador at hinatak patungo sa kama. Muli ay pinagsaluhan nila ang isang mainit na sandali. Pampainit sa malamig na panahon. Hanggang sa matapos ang pagsasalo ng uhaw nilang mga katawan. Doon napagtanto ni Francesca ang tunay niyang nararamdaman sa senador.Makalipas ang ilang oras.. Malamig ang simoy ng hangin sa labas na humahampas sa window glass ng kanilang silid. Nagising si Francesca at siya'y bumangon. Nilingon niya si Javier. Nakatihaya ito at mahimbing na natutulog. Ang gwapo pa rin nito sa ayos kahit tulog. Labas ang matipunong pangangatawan sa suot na puting sando.‘Hays.. Tama nga sila, masuwerte nga ang babaeng nagmamay-ari ng puso niya.. Masuwerte ako kung gano’n.’ Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad palabas. Isinara niya ang pinto at bumaba ng hagdan. Tanging ilaw lamang mula sa mga chandelier ang nagbibigay liwanag sa paligid. Patuloy siyang naglakad nang tahimik. Walang ingay na maririnig. Mukhang tulog na nga ang lahat.‘Anong
Nakita niya kung paanong napaismid si Danica. Maya-maya'y nagpaalam ito sa senador na puntahan muna si Lewis. Alam niyang iba ang dahilan nito kung bakit ito umalis. Ang pakiramdam ng isang nagseselos. Wala siyang magawa, ayaw niya sanang paglaruan ang feelings ni Danica dahil babae rin siya. Kaya lang, wala na ito sa ayos. Kung anu-ano nang maisipang gawin makuha lamang ang gusto. Hindi nga niya alam kung ito ba ang may pakana ng mga pangyayari kanina sa school. Nagkaroon siya ng pagdududa rito.Tumayo siya at humarap sa malawak na hardin. Malalim ang iniisip habang malayo ang tingin. Napansin iyon ng senador kaya't lumapit ito at tumabi sa kaniya.“Francesca..” Humarap siya rito. Inililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na minsan pa’y naliligaw sa kaniyang mukha.“Sabihin mo sa ‘kin ang dapat kong malaman. Ipagtapat mo sa ‘kin ang lahat,” wika niya kasabay nang pagtitig sa seryosong mukha ng senador. Huminga ito nang malalim. Hindi pa man nakakapagsalita nang mag-ring ang ce
“Anong ginagawa n'yo at bakit hindi n'yo nabantayan nang maigi ang pangyayaring ito?” tiim-bagang na tanong ni Javier sa dalawa niyang tauhan.“Senator, pasensya na po nag-jingle ako kaya't si Brandon po ang naiwan rito kanina habang nasa banyo ako,” kinakabahang saad ng kaniyang driver saka muling yumuko. Ibinaling niya ang matalim na tingin sa bodyguard niyang si Brandon at hinintay na ito naman ang muling magsalita.“Se-Senator, pasensya na po. Hi-Hindi ko ho sinasadyang ma-makatulog. Hindi ko rin po na-napansin ang taong naglagay niyan sa sasakyan ninyo,” nauutal nitong saad. Mas lalong uminit ang ulo niya sa paliwanag ng dalawa. Masyadong naging pabaya ang mga ito. Napasinghap siya.“Brandon, lumayas ka sa harap ko. Simula ngayon, hindi ko na gustong makita ang pagmumukha mo. Hindi ko kailangan ang katamaran mo,” mariin niyang wika. Lumingon ito sa driver niya at pagkatapos ay malungkot na umalis. Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niyang pagsisante rito. Tama lamang iyon. W