Pagkatapos ng kanilang mainit na pagniniig, muling bumalik sa shower ang magkasintahan. Pinapaliguan siya ni Theo, sabay pinunasan ng tuyo at malambot na tuwalya ang kanyang katawan, bago siya bihisan ng pantulog.... Magkayakap silang nakahiga sa kama. "Sleep na, sweetheart. Alam kong napagod na naman kita." bulong ni Theo habang inahaplos angg buhok nya. "Gabi-gabi ba dapat tayong ganito?" biro pa niya. "Bakit, ayaw mo? Kasalanan mo ’to... ang ganda at ang sexy mo kasi kahit buntis ka. You're so fuckable, sweetheart." Napatawa siya sa ginamit na adjective ni Theo. Kahit medyo malaki na ang tiyan niya, minsan ay hindi na niya nararamdaman na sexy pa rin siya. Pero hinding-hindi siya binibigyan ni Theo ng pagkakataong ma-insecure. Palagi siyang sinasabihan nitong maganda, sexy, at kaakit-akit. Kaya naman lumalakas ang kumpiyansa niya sa sarili. Sa dami ng pinagdadaanan ng katawan ng isang babae habang buntis, iilan lang talaga ang lalaking may sapat na pag-unawa... at isa na si T
Last Updated : 2025-06-09 Read more