"By the way, andyan sina Lolo at Lola. Gusto ka nilang makausap." ani ni Earth sa kanya.Bigla siyang kinabahan. Kaya pala andoon si Crystal, kasama pala nito ang Lolo at Lola nila. Kanina pa sila doon ay hindi man lang nito sinabi sa kanya?"Tara na, baba ka na diyan. They are waiting at the dining area." muling sabi ni Earth."G-galit ba sila?""Of course! Sino ba ang hindi magagalit na bigla kang nabuntis na walang boyfriend?"Yumuko siya. Oo, nakakahiya ang ginawa niya pero wala na siyang magagawa, andito na 'to. Ang tanging panghahawakan niya na lang ay hindi naman siya tatakbuhan ni Theo.Humawak siya sa braso ng kambal, ganoon din si Crystal sa kabilang side ni Earth. Magkasabay silang tatlo na pumunta sa dining kung saan ang mga magulang niya at ang Lolo’t Lola niya sa both sides.Nakatingin agad ang mga ito sa kanila, hinihintay ang paglapit nila. Nakayuko lang siya, ayaw niyang salubungin ang mga titig ng mga abuelo niya.Biglang nakita niya mula sa kung saan ang Tita Celi
Terakhir Diperbarui : 2025-05-28 Baca selengkapnya