"Nice party, Theo," pukaw ni Gretchen sa pananahimik niya."Yeah... it is indeed a nice party. Thanks to Earth..." aniya.Nang matapos ang kanta ay nakita niyang tumigil na sa pagsayaw sina Therence at Heaven. Niyaya niya na din si Gretchen sa table nila."Hey, guys! Are you having fun?" Nakita nilang papalapit si Tita Jenna at Tito Angelo sa table nila. Agad namang lumapit si Heaven sa mga magulang nito at humalik."You're so gorgeous, iha... I like your dress," puna ni Tita Jenna sa anak. "Isn't she gorgeous, Theo?""Ahm, y-yes, Tita. Heaven is so gorgeous," nahihiyang sagot niya. Hindi niya inaasahan na tatanungin siya ni Tita Jenna."Bakit di mo isayaw ang anak ko, Theo?"Muli na naman siyang nahiya. Halatang pinagtutulakan sila ni Tita Jenna."Ayaw po ni Heaven, Tita..." sagot niya. Totoo naman, hindi na siya nagbalak tanungin si Heaven dahil alam niyang hindi ito papayag."Tinanong mo ba ako?" pasupladang sagot nito. Nagulat siya."May I have this dance, Heaven?" diretsahan niya
Last Updated : 2025-05-20 Read more