Paglabas niya ng gate ay agad siyang nag-book ng Grab. Magpapahatid siya sa mall.“Mam Heaven, saan po sana ang punta n’yo? Bakit ka mag-Grab?” tanong ng driver nilang si Kuya Dencio.“Sa mall lang po, Kuya.”“Gusto mo po, samahan kita?”“Wag na, Kuya. Mas gusto ko na ako lang mag-isa.”“Ihatid na lang kita kung ganun, para ‘di ka na mahirapan mag-book.”“Sige, Kuya. That’s a good idea.”Dali-daling kinuha ni Kuya Dencio ang isa sa mga sasakyan nila saka siya pinagbuksan ng pinto. Sumakay na siya.“Dapat, Mam, hindi kayo gumagala mag-isa. Dapat palagi kayong may kasama. Paano kung ma-kidnap kayo? Sa yaman n’yo, baka matyempuhan kayo ng mga masasamang loob.”“Wala namang nakakakilala sa akin dito sa Pilipinas, Kuya. Saka si Earth ang sikat, hindi ako.”“Hahaha… sabagay po.”“Kung ayaw mo pong samahan kita, matawagan mo na lang po ako mamaya para magpasundo kung tapos ka na mag-shopping.”“Ako na ang bahala umuwi, Kuya. Pero kung mahirapan ako mamaya, tatawag po ako sa’yo.”“Sige po, Ma
Terakhir Diperbarui : 2025-04-14 Baca selengkapnya