Pagkatapos ng laro, dumaan siya sa condo ni Cassandra. Pinangako niya kasi sa dalaga na pupuntahan niya ito pagkatapos ng game. Kumatok siya nang makarating sa harap ng pinto nito, pero walang sumasagot. “Cas! Cas!” sigaw niya, pero hindi pa rin binubuksan. Baka tulog, isip niya. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan si Cassandra. Hindi nito sinagot ang tawag, pero agad namang bumukas ang pinto. Nagulat siya nang makitang may hawak na kutsilyo si Cassandra, at tila takot na takot ito. Malalaki ang mata nitong palinga-linga sa paligid. “What happened to you?” nag-aalalang tanong niya, saka inagaw ang kutsilyo dahil baka pati siya ay masaksak nito nang hindi sinasadya. “He’s here...” nanginginig na sagot nito habang hindi mapakali. “Who?” tanong niya. “My ex-fiancé... He's here, and he's trying to hurt me again. Huhuhu...” humagulgol si Cassandra. Agad siyang naging alerto. Nilibot niya ang mata sa paligid pero wala naman siyang nakitang ibang tao maliban sa kanila. “Let’s
ปรับปรุงล่าสุด : 2025-04-28 อ่านเพิ่มเติม