Nilipat na siya sa isang private room. Mabuti na lang at hindi malala ang injury niya sa paa. Pwede pa rin siyang makapaglaro ng basketball, pero kailangan muna niyang magpahinga. Mga tatlong games ang mamimiss niya para tuluyang gumaling. Nandoon pa rin si Cassandra sa kwarto, sinasamahan siya.“Thanks, Cassandra. Pwede ka nang umuwi. Kaya ko na ‘to. Tumawag na rin sina Dad and Mom, papunta na sila.”“It’s okay, Theo. Wala rin naman akong gagawin. Saka ako nga ‘tong tinulungan mo noon, ‘di ba?”“Kamusta na nga pala ang ex-fiancé mo?” tanong nya“Ha? Ah, eh... huwag na nating pag-usapan. Wala siyang kwentang tao.”Nagtataka siya kung bakit laging iniiwasan ni Cassandra ang tanong tuwing nababanggit ang ex nito.Maya-maya ay bumukas ang pinto at pumasok ang mga ka-team niyang sina Earth, Therence, Jake, Charles at Edward. Saglit namang nagpaalam si Cassandra para lumabas muna.“Hey bro! Kumusta ang lampa naming kaibigan?” kantyaw ni Earth.“Nanalo ba kayo?”“Syempre! Kami pa ba? Kahit
Last Updated : 2025-05-03 Read more