RainaHindi ako nakapagsalita nang makita kong sina Evo at Tom ang magiging hiking guide namin. Sila ang aming team leader at kailangan naming sumunod anuman ang sabihin nila para sa ligtas na pg-akyat namin sa Mount Hilag.Since when nahilig sa pag-akyat ng bundok si Evo? Magmula nang makilala ko siya ay hindi ko siya narinig na nagkuwento sa hilig nito sa pag-hiking kaya naman nagulat talaga ako nang makita ko siya paglabas ko ng kubo.Kung pagkagulat ang rumihistro sa mukha ko pagkakita ko sa dalawang hiking guides namin ay kabaliktaran naman ang reaction ng mga babaeng kasama ko. Silang apat ay malawak ang pagkakangiti at halatadong kinikilig pagkakita na mga guwapo pala ang leader namin. "Hello, girls! We are your hiking guides and at the same time your team leaders. I am Sir Tom, and the handsome guy beside me is Sir Evo," pakilala ni Tom sa sarili nito at kay Evo sa mga amin. Hindi ko ipinahalata sa mga kasama ko na kilala ko ang hiking guides namin. Ayokong putaktihin nila ak
Terakhir Diperbarui : 2025-05-09 Baca selengkapnya