Fei's POV Kapansin-pansin ang pagiging mapanuyo ni Giovanni nitong mga nagdaang araw simula nang mangyari ang pananakit niya sa akin noong huli, hindi na rin naulit. Palagi pa na sa tuwing uuwi ito ay palaging may bulaklak o hindi kaya pasalubong sa akin. Noong una tinatapon ko lang sa basurahan ang mga bouquet, at ang mga pagkain naman ay pinakakain ko kay Manang pero kinalaunan nanghinayang din ako. Inilalagay ko na lang sa vase, kaya araw-araw din na bago ang mga bulaklak sa kwarto ko na nakapatong sa bed side table and yes kwarto ko ang tawag ko dahil hindi naman siya natutulog na katabi ako. Ewan ko nga kung bakit. "Uy, si Ma'am napapangiti," panunukso sa akin ni Manang Linda habang inaayos ko ang pink na pink na mga rosas. Inirapan ko lang siya. "Hindi ako nakangiti, Manang. Malabo na ata mata niyo," sagot ko at itinanggi ang nakita niya pero totoong napapangiti talaga ako. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kababaw... kung tutuusin nga dapat hanggang ngayon gali
Last Updated : 2025-05-07 Read more