Love’s POV Three years. Tatlong taon na mula noong huli kong nakita sina Lira, Nicole… ang mga taong naiwan ko. Minsan, pakiramdam ko, panaginip lang lahat, ang karinderya, ang tawanan namin, mga araw na simple lang basta magkakasama kami, puno ng kwento, asaran. Pero tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, naririnig ko pa rin ang boses nila, lalo na si Razen. His smile. His laugh. The way he looked at me, as if I was his whole world. Pero heto ako ngayon, nakaupo sa isang malaking silid na puno ng ginto, mga nagtataasang chandelier na kumikislap, at mga kurtinang gawa sa pinakamamahaling tela. Malayo sa amoy ng isda at usok ng kalan sa karinderya. Dahil hindi ko alam… na ang tito ko pala ay isang hari. Noong una, hindi ko pa ma-absorb. Nang dumating kami dito sa kaharian niya, I thought it was just a big house, a mansion. Pero nang salubungin kami ng mga tao, lahat nakayuko, lahat sumisigaw ng “Long live the King!”, doon ko lang napagtanto ang lahat. My uncle, the same man wh
Huling Na-update : 2025-09-08 Magbasa pa