Nagising ako sa yakap ni Razen, pero this time hindi hapdi ang una kong naramdaman kundi ang lamig ng simoy ng hangin mula sa bintana ng cabin, at sa labas, naririnig ko ang tawa ng mga kaibigan ko. Paglabas ko, halos masilaw ako sa liwanag ng araw. Ang ganda ng tanawin, endless blue sea, at sa malayo makikita ang coastline ng Bali. “Good morning, sleeping beauty!” sigaw ni Nicole habang nakahiga sa deck chair, may suot na sunglasses at hawak na fresh coconut. “Hoy, late ka na!” dagdag ni Lira. “Kanina pa kami nag-breakfast, ang tagal mo ba namang nagising!" “Pagod lang,” sagot ko, sabay tawa. “Masakit pa nga ulo ko." “Pagod daw,” hirit ni Lira. “O pinagod ni Razen?" Saka sila humagalpak ng tawa, pati si Razen napailing at tumawa. Napahilamos ako ng mukha dahil sa hiya. “Liraaaa!” "Hiya siya oh! Totoo naman kasi!" "Hoyy!" Wala na. Inasar na ako ng todo. Pagkatapos ng light breakfast, bumaba kami ng yate at sinundo ng dalawang van. Ang itinerary daw, beach, temple visit, then
Huling Na-update : 2025-09-16 Magbasa pa