HINDI MAIPALIWANAG ni Weston ang galit na nararamdaman niya ng mga sandaling iyon, lalo na at parang siya pa ang mali sa paningin ng kanyang asawa. Niloko na nga ito ng kanyang pamangkin, ay may gana pa itong maawa sa lalaki.“Alam mo, ayaw ko naman sanang gawin sa ‘yo ‘to, Baby. Kaya lang, sinusubukan mo ang pasensiya ko, eh. Ayaw ko sanang maghigpit sa ‘yo dahil ang gusto ko, ayaw kong maramdaman mo na limitado ang mga kilos mo dahil lang sa nag-aalangan ka sa ‘kin. Pero ikaw din mismo ang nagtutulak sa ‘kin para gawin ‘to. Kaya magmula ngayon, hangga ‘t hindi ka nakaka-move on sa Gerald na ‘yon, ay dito ka lang. Parusa mo iyan dahil sa paglabag mo sa kontrata,” sambit niya habang nakahawak siya sa baba nito.“Pero Weston, alam mong hindi ko kaya ang walang trabaho. Promise, hindi na mauulit ‘yon. Kapag sinubukan niya pa rin akong lapitan at kausapin, iiwasan ko na lang siya,” sagot nitong may himig pakiusap.“Huwag mo ‘kong pakiusapan ng ganyan dahil hindi rin naman kita pagbibigya
Terakhir Diperbarui : 2025-04-10 Baca selengkapnya