NASA KANYANG silid si Gerald habang nakahiga sa kanyang kama. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang mga pasa at sugat dulot ng ginawang pananakit sa kanya ng tiyuhin kaya hindi siya makakilos ng maayos. Kaunting galaw lang niya ay nananakit na ang mga sugat niya.Ang gusto pa nga ng mommy at lola niya ay i-confine siya sa ospital, pero doctor na rin ang nagsabing pwede rin naman niyang pagalingin ang mga sugat habang nagpapahinga sa bahay. Masyado lang talagang OA ang mga ito pagdating sa kanya.Hindi niya inaasahan na makakatikim siya ng pambubogbog mula kay Weston, at iyon ang hindi niya napaghandaan. Hanggang ngayon ay nanggagalaiti siya sa galit kapag sumasagi sa kanyang isipan ang pangyayaring iyon. Napahiya na siya kay Saskia, ay pinagmukha pa siya nitong mahina at walang kalaban-laban. Kung bakit kasi hindi siya naging maingat at mapagmatyag.Wala kasi siyang nasa isip ng mga sandaling iyon kundi ang makausap ang dalaga at para kumbinsihin itong bumalik sa kanya. Nawala na lang
KANINA PA paikot-ikot sa harap ng salamin si Vivian. Gusto niyang maging maganda at perpekto sa mata ng pamilya ni Gerald, lalo na at alam niyang kahit anumang oras ay pwede niyang makita roon si Weston.At isa pa, gusto niyang siguraduhin na babagay ang hitsura at kasuotan niya sa mansyon. Iyon bang iisipin ng pamilya ni Gerald na nababagay siyang tumira roon at mapabilang sa kanilang pamilya.Nagsuot siya ng kulay beige na fitted off-shoulder dress na above the knee ang haba at pinaresan niya iyon ng kulay itim na stiletto sandals na nasa five inches ang taas. Inayos niya ang buhok niya ng pa-messy bun style. Magaling siyang mag-ayos ng sarili kaya nga lahat ng lalaking target niyang maangkin ay hindi siya nabibigong masungkit ang mga ito.At ngayon ay si Weston naman ang target niya. Ipinapangako niyang ito na ang una ‘t huli siyang mang-aakit ng lalaki kapag napasakanya na si Weston ng tuluyan. Nang makuntento na siya sa kanyang hitsura ay lumabas na siya ng banyo ng opisina niya.
“GERALD, hindi mo man lang sa ‘min binabanggit na girlfriend mo pala ang CEO ng MS Wine Haven. Ang galing mong pumili ng babae, anak. Maganda, matalino at professional ang girlfriend mong napili,” masayang wika ng mommy niya nang pumasok ito sa kanyang kwarto kasunod si Vivian.Napabuntung-hininga na lang siya sa sinambit ng ina. Talagang nagpakilalang girlfriend niya si Vivian dito. At mukhang na-manipulate na rin ito ni Vivian dahil proud na proud ito sa babae. Talagang nag-ayos pa ito na para bang nakikibagay sa mga taong pupuntahan na alam nitong mayayamang tao.“I’m sorry, mommy, hindi ko na nabanggit sa inyo,” hinging paumanhin niya, nasabi rin lang naman ni Vivian na girlfriend niya ito, well, sasakyan na lang muna niya para walang maging problema.Nalukot naman ang mukha ni Vivian pagkakita sa hitsura niya. “Oh my God, Hon! What happen to you??? Sinong may gawa nito sa ‘yo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.“Maiwan ko na muna kayo rito, ha? May pupuntahan pa kasi ako. At Ger
PAGPASOK ni Katrina sa loob ng mansyon ay nakita niyang may nakaparadang kotse kung saan doon niya ipinaparada ang kanyang sasakyan. Hindi iyon pamilyar sa kanya kaya nagtataka siya kung kanino iyon.Pagpasok niya sa mansyon ay agad niyang hinagilap ng paningin ang mag-asawa, pero hindi niya ito makita. Eksaktong napadaan siya sa tapat ng kwarto ni Gerald at naulinigan niyang may kausap itong babae. Doon pumasok sa isip niya na baka ang kausap nito ang nagmamay-ari ng sasakyan.Aalis na sana siya sa tapat ng silid para ipagpatuloy ang paghahanap sa mag-asawa nang bumukas ang pintuan nito. Iniluwa niyon si Gerald kasunod ang isang babaeng todo sa porma. Saglit niya lang itong tiningnan at inalis din niya ang mata niya roon.“Ate Kat, kanina ka pa ba riyan?” tanong sa kanya ni Gerald. Nakasanayan na nitong tawagin siyang ate kaysa tita dahil ilang taon lang naman ang agwat niya rito.“Hindi naman, kararating ko lang. Hinahanap ko sina tito at tita at saka si ate Gladys. Nasaan ba sila?”
BINABAYBAY ni Weston ang daan patungo sa parking area ng kanyang kompanya dahil maaga siyang uuwi para makita agad si Saskia. Parang ang tagal ng bawat oras para sa kanya lalo na ‘t minu-minuto ay gusto niyang masilayan ang asawa. Hulog na hulog na talaga ang loob niya rito lalo na ngayong ganap na silang mag-asawa.Ngunit napakunot ang noo niya ng makita niyang nakasandal sa sasakyan niya si Katrina. Napabuntung-hininga na lang siya. Nakalimutan din pala niyang sabihin sa guard na pati si Katrina maliban kay Gerald at ate Gladys niya, ay banned na rin ito at hindi na pwedeng pumasok pa sa komapanya.“Anong ginagawa mo rito?” walang reaksyong tanong niya rito.“Dinadalaw ka, since hindi ka na umuuwi sa mansyon,” kagat-labing sagot nito na para bang nang-aakit.“Hindi ako pasyente para dalawin, at mas lalong hindi ako patay. Kaya huwag ka nang magsayang ng oras at panahon sa kakahabol sa ‘kin dahil sinisigurado ko sa ‘yo na pagod lang ang mapapala mo,” sarkastikong sambit niya.Biglang
SA WAKAS ay nakabalik na rin si Saskia sa Del Flores Winery dahil pinayagan na siyang pumasok ni Weston makalipas ang isang linggo. Ngunit katakot-takot na parinig ang natanggap niya mula sa ibang mga katrabaho na may galit na yata sa kanya simula nang pumasok siya sa kompanya.Kasalukuyan siyang naglalakad papunta sa kanyang opisina pero napahinto siya nang pagtapat niya sa pintuan sa isa sa mga departamento ay biglang nagsalita ng malakas ang mga naroroon na tila ba sinasadyang iparinig sa kanya ang pinag-uusapan ng mga ito na alam niyang patungkol sa kanya.“Aba, abusado rin itong bagong Chief Financial Officer natin, ‘no? Halos isang linggo siyang nawala ng wala man lang paalam, pagkatapos ay bigla na lang papasok ng wala ring paalam? Ang galing din naman! Gaano kaya siya kalakas kay Sir Weston para payagan siya sa ginagawa niyang ‘yan? Kabago-bago pa lang, gumagawa na ng sariling schedule,” sambit nung isang babae habang ngumunguya ng sandwish sa working table nito.“Sinabi mo pa
NAPANSIN ni Weston ang pananahimik ni Saskia habang nasa loob sila ng sasakyan pauwi. Kaya nang makarating sila sa bahay ay hindi na niya napigil ang sariling tanungin ito.“Baby, may problema ba? O may dinaramdam ka na naman?” malumanay na tanong niya rito sabay yakap sa likod nito. Kasalukuyan silang naglalakad papasok ng silid.“Ahm, pwede ba kitang makausap? May gusto lang kasi akong sabihin sa ‘yo,” sagot nito.“Sure! Pagkatapos nating magbihis,” wika niya. Pero nagtaka siya ng magpaiwan ito sa labas ng silid. “Why?” nagtatakang tanong niya.“Ahm, pasensiya ka na, pero hindi pa kasi ako sanay na sabay tayong magbibihis. Mauna ka na siguro, pagkatapos mo na lang ako,” nahihiyang paliwanag nito.“Baby, kailangan mo nang sanayin ang sarili mo. Nakita ko rin naman na ‘yan lahat, kaya wala ka nang dapat na itago at ikahiya sa ‘kin.”“Pe-pero—”“Halika na. Asawa mo ako kaya hindi ka dapat nahihiya sa ‘kin.”Sa huli ay napilit niya rin ito. Napangiti tuloy siya ng palihim dahil may bina
NABIGLA ang lahat sa kompanya nang pagpasok nila ni Weston ay magkahawak-kamay sila. Hindi naman kasi nila ito ginagawa rati dahil ayaw nga nilang ipaalam sa mga empleyado na mag-asawa sila.Pero ngayon, lalo na ‘t nagalit si Weston nang mapanood nito sa CCTV ang sinasabi niyang ginagawang pagpaparinig at pambabastos ng ibang empleyado sa kanya, ay gusto na nitong ipaalam sa lahat na mag-asawa sila kahit na todo pigil siya rito. Ayaw na raw nitong maulit iyon kaya kailangan na nitong ipaalam sa kompanya ang kanilang relasyon para alam ng mga nagpaparinig at nambabastos sa kanya kung saan lulugar ang mga ito.Hanggang sa makapasok na sila sa opisina nito ay hawak-hawak pa rin nito ang kanyang kamay. Kahit na nang lumapit ito sa company-wide intercom na naroroon mismo sa loob ng opisina nito para magsalita.“Attention everyone in the company, please proceed to the main conference room. I have an important matter to discuss, and your presence is required. No one is excused from this meet
KAPWA sila nagising na mag-asawa nang marinig nila ang boses ni Mommy Diana sa labas ng kanilang silid. Sunud-sunod din ang ginagawa nitong pagkatok.“Weston, tulog pa ba kayo ni Saskia? Anong oras niyo ba balak bumangon, ha? Balak mo bang gutumin ang asawa mo?!! Alam niyo naman na masama sa kalusugan ang nagpapalipas ng umagahan? Kapag hindi pa kayo riyan lumabas, pupwersahin kong buksan ‘tong pintuan ninyo! Kaysa naman ang magkasakit kayo!” sermon nito sa kanila.Kahit nakapikit pa ay bumangon na si Weston para magbihis. Siya naman ay hindi magkandaugaga kakahanap ng pwede niyang maisuot ng madalian.“Weston! Ano ba? Kahit man lang ang sumagot ay hindi mo magawa?!” parang sumisigaw na si Mommy Diana, at hindi na basta lang sermon.“Palabas na, Mom! Nagbibihis lang po kami!” pabalik na sigaw ni Weston.“Bilisan niyo at pagkatapos, ay dumiretso na kayo sa kitchen! Kanina pa naghihintay sa inyo ang mga pagkain doon!” muling sambit ni Mommy Diana. Nakahinga siya ng maluwag nang marinig
DAHAN-DAHANG iminulat ni Saskia ang kanyang mga mata, at ang gwapong mukha ng kanyang asawa ang unang bumungad sa kanya. Tulog na tulog pa ito at naririnig pa niya ang mumuting hilik nito.Pinagmasdan niya ang kabuuan ng mukha nito. Mula sa malalago at makapal nitong kilay na bahagyang naka kunot kahit na tulog ito, sa malalantik at maitim nitong pilik-mata na dapat ay para sa babae lang, sa ilong nito na perpektong-perkpekto ang pagkakahulma, at sa mga labi nito na mapupula na alam niyang hindi niya pagsasawaang halikan.Napagtanto niya na parang ngayon lang niya nasilayan ng maayos at malapitan ang mukha ng kanyang asawa. Pinagsawa niya ang mga mata sa magandang tanawin na nasa harapan niya. Hindi na siya magtataka kung bakit baliw na baliw dito si Katrina. Baka nga, kung makita pa ito ni Vivian ay sulutin na naman nito. Alam niya ang karakas nito pagdating sa mga gwapong katulad ng asawa niya.Kung napalampas niya nung una ang panunulot nito sa dating nobyo niya na si Gerald, ngayo
DUMADALOY man sa katawan nila ang tubig na nanggagaling sa shower, ay ramdam pa rin ni Weston ang init na sumisingaw sa katawan ng kanyang asawa. Hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang pinakawalan nitong mahinang ungol dahil sa ibinibigay niyang mga pinong halik sa tainga at sa leeg nito.Tigas na tigas na ang kanyang alaga habang idinidiin niya iyon sa pang-upo ng kanyang asawa. Gustong-gusto na niya itong angkinin pero ayaw niya ng nagmamadali. Gusto niyang namnamin at sulitin ang bawat pagkakadikit ng kanilang mga katawan.Pinaharap niya ito sa direksyon niya, at iniangkla naman nito ang dalawang braso sa kanyang leeg. At doon ay nagpalitan sila ng maiinit, mapupusok, matatamis at mapanghanap na halik. Saglit niyang inilayo ang mga labi rito para makasagap sila ng hangin, pagkatapos ay muli silang nagpatuloy.Kinuha niya ang isa nitong kamay at dinala iyon sa naghuhumindig niyang pagkalalaki. Tumingin ito sa kanya habang namumungay ang mga mata.“Gusto mo na bang ipasok ko ‘yan s
PAGDATING nila sa bahay ay agad silang sinalubong ng nag-aalalang si Mommy Diana.“Hoy, kayong dalawa, saan kayo galing, ha? Ni hindi man lang kayo sa ‘kin nagpaalam? O, kaya naman kahit kay Lita, hindi? Paano kung nadisgrasya kayo, ha? Pinag-alala ninyo akong dalawa! Kanina pa kami kahihintay sa inyo para mag-dinner!” sambit nito sa kanila na para bang pinagagalitan silang dalawa.Nagkatinginan muna silang dalawa ni Weston, pagkatapos ay ito na rin ang nagpaliwanag sa ina.“Mommy, nagmamadali po kasi kami kanina ni Saskia. Nagkaroon po kasi ng emergency ang Daddy niya, nasa ospital ito at kasalukuyang naka-confine. Sa pagkataranta namin at pagmamadali, ay nakalimutan na namin ang magpaalam,” paliwanag ni Weston.“Hala, ano raw ba ang nangyari sa Daddy mo, hija?” bigla ang pag-aalalang rumehistro sa mukha nito.“Hayun po, nagpapalakas ng katawan. Nawalan daw po kasi ng malay sabi ni Mommy, kaya agad niyang itinakbo sa ospital” sagot niya.“Eh, kumusta naman daw siya ngayon?” muling ta
PAGLABAS ni Saskia ng silid na kinaroroonan ng kanyang Daddy, ay nadatnan niyang nakaupo si Vivian sa hallway seating. Nakabusangot ito at hindi maipinta ang mukha. Lalagpasan na sana niya ito, pero pagtapat niya rito ay agad itong tumayo at tiningnan siya ng mapang-uyam habang nakataas ang isang sulok ng labi.“Hindi na muna natin itutuloy ang pagkikita ninyo ni Gerald bukas dahil sa nangyari kay tito. Kaya magpasalamat ka.”“Ako, magpapasalamat sa ‘yo? Para saan?” wika niya sabay turo sa sarili, at ngumisi rin siya ng mapang-uyam.“Huwag mo ‘kong tinatawa-tawanan, Saskia! Ano, nagagawa mo nang tumawa ngayon dahil okay na ulit kayo ni tita? Huh, asa ka! Ginagawa lang ‘yon ni tita para kay tito! Kapag gumaling na si tito, babalik din ang dating pagtrato niya sa ‘yo na parang ibang tao!”“Oh, tapos? Kailangan ko bang matakot diyan sa mga sinasabi mo? Teka nga lang, bakit kasi mukhang ikaw pa ang apektado kaysa sa ‘kin? Pakialam mo ba kung ano ang gustong pagtrato sa ‘kin ni Mommy?”“Gi
BIGLANG tumunog ang cellphone ni Saskia na nakasilid sa kanyang shoulder bag na nakapatong sa mesa, kaya napabitiw siya sa pagkakayakap sa kanyang daddy para tingnan kung sino ang tumatawag, baka kasi ang asawa na niya iyon. Pagtingin niya sa screen ng cellphone, ay ang asawa nga niya ang tumatawag.“Hello, Weston? Oo, nandito pa ‘ko sa silid ni Daddy. Sige, maya-maya lang ay lalalabas na rin ako, magpapaalam lang muna ako kina Mommy at Daddy. Hintayin mo na lang ako riyan,” wika niya sa asawa, pagkatapos ay pinatay na niya ang tawag.“Asawa mo, anak?” tanong ng mommy niya.“Opo, Mommy.”“Bakit hindi mo man lang isinama rito sa loob para naman makilala namin siya?” sabat naman ng Daddy niya.“Gusto nga po sana niyang sumama kanina, kaso nga, pinigilan ko kasi, akala ko, galit pa rin kayo sa ‘kin. Ayaw ko kasi na madamay siya sa galit ninyo sa ‘kin.”“Pasensiya na anak, ha? Pero sa susunod, dapat kasama mo na siya,” ani ng mommy niya.“Opo, Mom. By the way, bago ako magpaalam sa inyo n
“JUANCHO, binibisita ka ng anak mo rito. Syempre anak mo pa rin siya kaya hindi niya maiwasan ang mag-alala,” ang mommy na niya ang sumagot sa tanong ng kanyang daddy dahil nawalan na siya ng imik.“Teka, nasa ospital ba ako?” nagtatakang tanong nito nung mapansin ang nakakabit na maliit na tubo ng dextrose sa braso nito. Pagkatapos ay inilibot nito ang paningin sa kabuuan ng silid na kinaroroonan nila.“Oo. Bakit, hindi mo ba natatandaan ang huling nangyari sa ‘yo?” tanong ng mommy niya.Hindi nito pinansin ang tanong ng mommy niya, sa halip ay nagpumilit itong bumangon.“Teka, Juancho! Huwag ka munang bumangon dahil baka mapasama ang lagay mo! Sandali lang at tatawag ako ng doctor!” tarantang wika ng mommy niya, pagkatapos ay pinindot nito ang wall-mounted call button na nasa itaas na bahagi lang ng hospital bed na kinahihigaan ng kanyang daddy.“Hello, this is the nurse’s station. How can I help you?” sagot na narinig niya mula sa kabilang bahagi.“Hi, could you please call Dr. Reye
NAPANSIN ni Saskia na nakahinga ng maluwag ang kanyang mommy pagkalabas ni Vivian ng silid, pagkatapos ay muli siya nitong kinausap.“Halika, anak. Maupo ka at marami tayong pag-uusapan, at marami rin akong mga katanungan sa ‘yo,” nakangiting wika nito sa kanya.Umupo siya sa upuan na kanina lang ay kinaroroonan ni Vivian, pagkatapos ay umupo rin sa harapan niya ang mommy niya. Kinuha nito ang isa niyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit na parang may nais ipadama.“Anak, hindi ko alam kung paano ko ba uumpisahan ang mga katanungan at mga sasabihin ko sa ‘yo.”“Mom, ang gusto ko lang po sanang malaman sa ngayon ay kung ano ang nangyari kay Dad, kung ano ang dahilan kaya siya nagkaganyan?” alanganing tanong niya.Nakita niyang muli ang pagbabanta ng mga luha sa mga mata nito. Hindi rin nakaligtas sa kanyang mga mata ang pangangatal ng mga labi nito na para bang nagpipigil ng emosyon. Nararamdaman niyang isang mabigat at malalim na bagay ang naging dahilan kaya nagkaganoon ang kanyang
“A-ANAK, Saskia! Salamat naman at naparito ka! Pero paano mo ba nalaman na rito sa hospital na ‘to naka-confine ang daddy mo?” gulat na tanong nito.“Mom, naiwan niyo lang naman po kasing nakabukas ang cellphone ninyo. Hindi niyo po napatay bago ninyo ipinatong sa kung saan, kaya naririnig ko lahat ng mga pag-uusap ninyo mula sa kabilang linya, maging ang pagdating ng ambulansiya,” sagot niya.“Salamat naman kung ganoon,” pagkatapos ay tumayo ito mula sa pagkakatunghay sa kanyang daddy at lumapit sa kanya. Ikinulong nito sa magkabilaang kamay ang kanyang maliit at magandang mukha.“Kumusta ka na, anak ko? Alam mo bang miss na miss na kita? Pwede bang…umuwi ka na sa bahay natin? Pag-usapan natin ang lahat, ayusin natin,” lumuluhang wika nito.Binalot ng konsensiya at awa ang kanyang puso nung makita niyang umiiyak ang kanyang mommy sa mismong harapan niya. Hindi siya makapaniwala na kinukumusta siya nito at gusto nang pauwiin sa bahay nila.Parang kailan lang ay galit na galit pa ito s