ELYSSA POINT OF VIEW Halos abutin ako ng ala-una ng madaling araw sa pag-aayos ng delivery ko ng mga damit at make up. Dahil binawalan ako ni Ali na magtrabaho sa club, minabuti kong humanap ng kaunting pagkakakitaan para naman makaipon ako. Hindi niya alam ang bagay na ito kaya nagulat na lang akong medyo maaga-aga siyang umuwi. Buti na lamang at lasing siya kaya makakalimutan niya rin ang nakita kinabukasan. Nagtatrabaho ako hindi dahil sa nakukulangan ako sa ibinibigay niya. Kaya ko iyong pagkasyahin, gusto ko lang na may pera. Hindi ko alam hanggang kailan niya ako pananatilihin sa kanyang tabi, kailangan kong maging handa. Matindi ang galit sa akin ni Ali at alam kong hindi basta-basta mawawala iyon. Hindi basta-basta matutunaw. Ang kailangan ko lang ay maghintay sa kanya na mapatawad ako. Nangawit ang likod ko kaya nag-inat ako, nagsisi nga lamang ako nang mabinat ang bumuka kong sugat. Kung sana hindi iyon bumangga sa mesa kanina, maaring wala akong iniindang sakit ngayon
Terakhir Diperbarui : 2025-05-04 Baca selengkapnya