Pagpasok namin sa isang kwarto ay nadatnan namin ang limang kalalakihan na nagtatawanan at nag-iinuman. Nang makita nila kami ay tumigil sila sa kanila-kanilang ginagawa at mabilis kaming nilapitan. “Cathy," masiglang wika ng isang lalaki. Matangkad, gwapo, maputi at medyo mahaba ang buhok. Wala na akong ibang masasabi sa kanila kundi gwapo silang lahat sa paningin ko. “Kuya Mark," sambit naman ni Cathy. At niyakap ang lalaki. Unang beses ko silang makita kaya medyo awkward at nahihiya ako. Kaano-ano ba sila ni Cathy? “And who's this?" wika naman ng isang lalaki. I like his skin. His tan skin. Siya lang ata naiba sa kanila and he stands out. Maputi kasi kasama niya. “Uhm… Mrs. Mercedez,” ani Cathy. "I mean, Veronica Morgan. She's my best friend. Siya ‘yong kwenento ko sa ‘nyo last time na nagkita tayo. Remember?” "Oh… She's a goddess in person. Hi, I am Mark," ani Mark na tinawag na Kuya ni Cathy kanina. May mole siya sa ilong na bagay na bagay sa kanya. “Veronica Morgan,
Huling Na-update : 2025-05-15 Magbasa pa