Pagdilat ko ng aking mga mata, bumungad sa akin ang dalawang bagong sasakyan na nasa harapan ko mismo. Ang isa ay kulay emerald green—paborito kong kulay. Ang isa naman ay itim. Pinagmasdan ko rin ang paligid. May malaking bahay—bagong-bago. Sa gilid ng hardin na puno ng iba't ibang klase ng bulaklak ay may mini swimming pool. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin, dahil bago sa akin ang lahat. At ang bahay na ito? Kanino ito? Tiningnan ko si Hugo, at siya ay nakangiti lang. Hinarap niya ako at hinawakan ang aking kamay. "Everything you see is yours, Babe." Hindi agad ako nakapag-react. Pinoproseso ko pa ang lahat. Lahat ay akin? O kasama lang sa kontrata? "What are these? Hugo, this is too much," I said, as mixed emotions rushed over me. “Kasal lang naman tayo sa papel. Ano 'tong lahat ng ’to?” dagdag ko pa, hindi pa rin ma-proseso sa utak ko ang lahat. “Hey, calm down, babe. Alam ko, kasal lang tayo sa papel—pero gaya ng pangako ko sa’yo, gusto kitang i-spoil, okay?”
Huling Na-update : 2025-05-29 Magbasa pa