Tama nga naman siya. Lalo na ngayon na may pinirmahan na kami. Hanggang papel lang talaga kami. Importante ay may mapasaya kaming tao, ang Daddy ni Hugo. And then sa summer body model rin na super halaga para sa amin. Si Hugo kasi maganda katawan, matangkad, gwapo, panigurado susugurin ang trunks namin niyan kapag nilabas na namin ang summer outfit. Para sa ikakalago ng business namin ni Cathy gagawin ko lahat. “Tama. Kaya ikaw wag masyadong mahigpit. Hindi ko na nga naiisip mga taong nanakit sa akin dahil kay Hugo at inyo ng pamilya niyo. Kaya salamat,” mahinan kong sabi na tama lang na marinig nila. Narinig kong napabuntong-hininga si Cathy. “Okay fine. Hindi na ako maiinis as long as happy ka at hindi magmukmok, support kita.” “Thank you, my best friend. Salamat ng sobra-sobra,” saad ko at tinanggal ang seatbelt at niyakap siya. “The wedding will be in two days kaya maghanda na agad ngayon pa lang,” sabat ni Hugo. “Ako na bahala. Para sa nag-iisang besty ko. I will mak
Terakhir Diperbarui : 2025-05-01 Baca selengkapnya