KABANATA 71: PATAWADTahimik ang buong sasakyan habang paalis na sila mula sa fashion event. Sina Albert Montenegro, Gail, at Leo ay parang tatlong tauhang nilamon ng tensyon—lahat ay tikom ang bibig, nakatitig sa kawalan.Kanina lamang, ipinadala ni Gail sa cellphone ni Albert ang lahat ng screenshot na nakuha niya—mga ebidensyang magpapatunay sa panlilinlang ni Zia, pati na rin sa pagkukunwari ni Pia. Halos limang minutong sunod-sunod ang tunog ng cellphone ni Albert habang dumarating ang mga larawan.Hindi kumibo si Albert habang isa-isang binubuklat ang bawat larawan. Ang ekspresyon sa kanyang mukha ay parang yelo—matigas, malamig, at hindi mabasa kung galit ba siya o nagpipigil lang ng emosyon.Nang matapos niya ang huling larawan, nanatili siyang tahimik sa loob ng limang minuto. Walang kahit anong salita ang binitawan.Sa wakas, isang mahinang, halos pabulong na tinig ang lumabas sa kanyang bibig. “Kakausapin ko si Zia. Kailangang malinawan ang lahat.”Pero alam nilang hindi la
Last Updated : 2025-06-01 Read more