Mataimtim ang usapan sa loob ng malaking sala ng tahanan ng pamilya Acosta. Naroon ang mga bisita, iba’t ibang mukha ng lipunan—negosyante, pulitiko, at mga socialite—ngunit iisa ang tono ng kanilang mga bulungan: tsismis, intriga, at panghuhusga.“Ang kapal naman ng mukha ng babaeng ‘yan,” ani ng isang ginang habang sinisip ang alak mula sa kristal niyang baso. Nakatingin ito kay Martina na tahimik lang sa isang sulok.“Kung ako kay Martin, iiwasan ko na ‘yan. Hindi magandang idikit sa pangalan ng pamilya Acosta ang babaeng ganyan,” dagdag pa niya habang tinaasan pa ng kilay ang dalaga.Hindi nila alam, naroroon sa likod ng kurtina si Mang Felipe, ang matagal nang katiwala ng pamilya, tahimik na nakikinig sa bawat masasakit na komento. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng mga panauhin, lalo siyang nagngingitngit.“Martin Acosta at Lorenzo Trinidad? Parehong naakit sa dating asawa ni Albert Montenegro? 'Yung babaeng tinalikuran niya?” natatawang saad ng isa pang babae.“Oo nga, muk
Terakhir Diperbarui : 2025-08-01 Baca selengkapnya