Panay ang tanong ni Liz sa kaniya habang nagmamaneho ito patungo sa restaurant ni Dominic. Wala itong sinayang na segundo at mabusising inaalam ang kahit na anong may kinalaman sa lalaki.“Tell me more about him, Tash. I’m still craving for more,” anito sabay hagikhik.Napapailing na hinalukay niya ang kaniyang isip, nag-iisip ng puwede pang ikuwento rito. “Well, uh, he’s very protective. Kahit noon pang mga bata kami. Tanda ko, sabay pa kaming pumapasok tapos tuwing may umaaway sa akin na kaklase ko, pinagtatanggol niya ako. Para ko na talaga siyang Kuya mula pa noon. May mga time pa nga na hinihintay niya ako pauwi para lang makasiguro na ligtas akong makakauwi,” kuwento ko.“Wow, bakit hindi ka na-fall? Kung ako iyan baka naisulat ko na ang love story namin kahit bata pa kaming dalawa,” hirit pa ni Liz sa kaniya.“Baliw,” natatawa niyang komento. “I never developed any feelings for him. Nag-migrate rin kasi sila bago ko pa man makilala kung ano ang pagmamahal.”Their conversation w
Last Updated : 2025-07-29 Read more