“Wala na yata akong pag-asa,” nanlulumong sabi ni Dimitri sa kaniya.Mahina niyang napalo ang braso nito dahil hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Nababasa rin kasi niya ang panlulumo sa mga mata nito.“Huwag mo ngang sabihin ‘yan!” kontra niya sa asawa. “Nagawa mo na nga, eh! Nakahakbang ka na kahit pa kaunti lang. At least, ‘di ba? May improvement ka na kahit papaano. For sure naman dati hindi ka totally nakakapaglakad. Kaya mo ‘yan, ano ka ba!” pagpapalakas niya ng loob dito.Inilahad niya ang kamay sa harapan ni Dimitri upang tulungan itong makaupo. Hindi naman na nagpapilit pa si Dimitri at agad na ring tinaggap ang kamay niya.She carefully helped his up until he was able to sit on the sofa. Pagkatapos ay kinuha niyang muli ang saklay na nabitawan ni Dimitri. Inilahad niya iyon sa asawa na tinanggap naman nito.“Kaya mo ‘yan, okay?” pag-ulit niya.Hinuli ni Dimitri ang mga mata niya at saka ito ngumiti. “Kung sabi mo kaya ko, eh, ‘di kakayanin ko.” Sa tulong niya ay inalalaya
Last Updated : 2025-09-17 Read more