CHAPTER 102 “H-Hello. Pasensya ka na may mga tinapos pa kasi ako kaya hindi pa ako nakakapunta riyan. Pero papunta naman na rin ako riyan,” agad na sabi ni Jillian sa binata pakasagot nito ng kanyang tawag. “Nasaan ka na ba?” tanong ni Harold sa kabilang linya. “Nandito pa ako sa opisina. Naghahanda pa lang ako na umalis. Pasensya ka na talaga ha,” sabi pa ni Jillian. “It’s okay. Pumunta ka sa parking lot. Nandito pa ako,” sagot ni Harold. “Ha? B-baka may makakita sa atin dyan. Magcommute na lang ako,” gulat pa na sabi ni Jillian dahil natatakot siya na baka nga may ibang makakita sa kanila roon at baka kung ano pa ang chismis na maikalat ng mga ito. “Wala naman ng ibang tao rito. Kaya pumunta ka na lang dito at sabay na tayong pumunta sa unit ko. Hihintayin na lamang kita rito,” sagot ni Harold at hindi na nga niya hinintay pa na magsalita ang dalaga at pinutol na nga niya kaagad ang kanilang tawag. Napapikit na lang nga ng mariin si Jillian ng babaan na siya ng tawag ng binat
Terakhir Diperbarui : 2025-06-03 Baca selengkapnya