CHAPTER 202“Nay aalis po muna ako saglit. Pero pangako po na babalik din po ako kaagad. May kailangan lang po akong puntahan ngayon,” pagpapaalam ni Harold sa ina ni Jillian pagkalabas niya ng ICU.“Sige hijo. Mag iingat ka,” sagot naman ni nanay Leony sa binata.Lumapit naman na muna si Harold sa ginang at saka niya ito yinakap.“Pangako po gagawin ko ang lahat para gumaling si Jillian. Kaya wag na po kayong mag isip pa ng kung ano ano dahil baka po ano pa ang mangyari sa inyo. Alam nyo naman po na ayaw ni Jillian na may mangyaring hindi maganda sa inyo,” sabi pa ni Harold kay nanay Leony.“Salamat hijo. Oo, nag iingat naman na ako ngayon dahil ayaw ko rin naman na nag aalala sa akin si Jillian lalo ngayon sa kanyang kalagayan ay hindi na dapat ako dumagdag pa sa kanyang isipin,” sagot ni nanay Leony. “Salamat nga pala hiji at nagbalik ka dahil hindi ko na talaga alam pa ang gagawin ko,” pagpapatuloy pa nito.“Ngayon po na narito na ako ay ipanatag nyo na po ang kalooban ninyo. Sobr
Last Updated : 2025-07-20 Read more