CHAPTER 220Kinabukasan ay maaga naman na nagising si Miguel dahil sa malakas na katok sa pinto ng kanyang silid kaya naman napabalikwas nga siya ng bangon upang pagbuksan nga ito.“Anak, anong problema? Ang aga aga pa,” agad naman na tanong ni Miguel sa kanyang anak ng mapagbuksan nga niya ito.“Mag impake na po kayo ng gamit nyo dad dahil babalik na po tayo ng Pinas. Sigurado po ako na bumalik na ng bansa si Harold kaya siya biglang nawala rito,” sagot ni Camille. “Nakapagpa book na rin po ako ng ticket natin at sakto naman po na may available pa po na dalawang slot mamaya kaya maghanda na po kayo dahil uuwi na po tayo ng Pinas,” pagpapatuloy pa nito.Napakurap kurap naman si Miguel dahil sa sinabi na iyon ng kanyang anak at hindi niya akalain na ganito talaga kadesperada ang kanyang anak na mahanap si Harold.“Anak, saglit lang. Malay mo naman ay narito lang siya at nagpapalamig lamang sa ibang lugar. Baka nagpapadalos dalos ka na naman ng desisyon mo anak,” sabi naman ni Miguel da
Terakhir Diperbarui : 2025-07-26 Baca selengkapnya