CHAPTER 198“Pero kahit na dapat ay sinabi mo pa rin kay momny para sana natulungan sya nito. Hindi siya pababayaan ni mommy,” sabi pa ni Harold.“Harold, naisip ko na rin naman ang bagay na yan at alam ko na hindi siya pababayaan ni tita. Pero ginagalang ko pa rin naman ang kagustuhan ni Jillian at ayaw ko rin naman siyang pangunahan sa kanyang mga desisyon,” sagot naman ni Rose. “Naisip ko na rin talaga minsan na sabihin kay tita ang tungkol sa pagbubuntis ni Jillian lalo na kapag nakikita ko siyang nahihirapan pero… mukhang huli na ang lahat ng mga panahon na iyon dahil nakaalis na si tita,” dagdag pa niya.“Kasalanan itong lahat ni dad. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko naiwanan si Jillian dito. Hindi sana sita nagkaganyan,” sabi pa ni Harold at muli na naman ngang sumiklab ang matinding galit sa kanyang dibdib ng maalala niya ang kanyang ama.Hindi naman na nagsalita pa si Rose at ayaw naman niyang gatungan pa ang galit na nararamdaman ni Harold sa ama nito.Sakto naman nga n
Last Updated : 2025-07-18 Read more