CHAPTER 288“Jane, hija mukhang lasing ka na. Ang mabuti pa ay matulog ka na lamang muna,” sabat na ni nanay Leony dahil nag aalala siya sa dalaga dahil hindi naman talaga ito sanay uminom ng alak.“Nay, hindi pa po ako lasing. Kaya ko pa naman po. At isa pa po ay nagkakatuwaan pa po kami rito. Magswimming pa nga po kami mamaya e,” sagot naman ni Jane kay nanay Leony.“Kung ayaw mo pang matulog ay wag ka ng uminom ha. Nakaka ilang inom ka pa lang ay ganyan ka na,” naiiling pa na sabi ni nanay Leony.“Opo nay. Hindi na pi ako iinom. At isa pa po ay babantayan ko pa po itong kapatid ko dahil baka mauna pang mag asawa sa akin,” sagot naman ni Jane.Lalo naman napailing si nanay Leony sa sinabi na iyon ni Jane at bahagya pa siyang natawa rito.“Balik tayo sa usapan natin,” sabat na muli ni Harold. “Ano ba ang tipo mo sa isang babae, Jeffrey para naman alam namin baka sakaling may maipakilala kami sa’yo,” baling na muli nito kay Jeffrey.“Ha!? B-bakit ako?” gulat na gulat pa na tanong ni J
Last Updated : 2025-08-17 Read more