CHAPTER 274“Anak makinig ka naman sana sa akin. Wala akong ibang hangad kundi ang kaligayahan mo. Hanggat makakaya ko ay ibibigay ko ang lahat ng gusto mo para lang maging masaya ka. Pero ang tungkol kay Harold… hindi ko na maipapangako na kaya ko pa iyong ibigay sa’yo,” lakas loob na sabi ni Miguel dahil gusto na rin niyang matigil ang kanyang anak sa kakukulit nito sa kanya tungkol kay Harold dahil sa totoo lang ay naririndi na rin talaga siya dahil wala na itong bukambibig kundi si Harold na lamang palagi.“No dad. Please, si Harold lang po ang gusto ko. Please gumawa po kayo ng paraan,” nangingilid na ang luha sa mata ni Camille ng sabihin niya iyon.“Camille ayoko lang na mas lalo ka pa na masaktan kaya ngayon pa lang ay sinasabi ko na ito sa'yo. Nagkausap na kami ng ama ni Harold at kahit siya ay wala na ring magagawa pa rito at tuluyan na rin niyang isinuko ang kanilang kumpanya sa akin kapalit ng titigilan na natin si Harold,” paliwanag ni Miguel. “Anak hanggat kaya ko naman
Last Updated : 2025-08-12 Read more