CHAPTER 261Bigla namang natigilan sa pagkain niya si Harold at saka siya napatingin kay Jillian at napansin niya na may tinitingnan nga ito kaya naman napatingin din siya sa tinitingnan nito at nakita niya na titig na titig ito kay Rose.“Matagal ko ng kaibigan iyang si Rose at parang kapatid ko na rin nga iyan. Open din siya sa akin kapag may problema siya o anuman at sa tagal ko ng kaibigan iyang si Rose ay wala pa yan naipakilala sa akin kahit isang lalaki na naging nobyo nya,” sagot ni Harold. “Bakit mo pala naitanong love?” tanong pa niya.“Ahm… w-wala naman. Kanina kasi ay parang iba ang ikinikilos niya at ilang beses ko na siyang nahuli na nakatitig kay Jeffrey,” sagot ni Jillian at bigla nga silang nagkatinginan ni Harold.“Napansin mo rin pala iyon,” sabi ni Harold. “Hindi kaya inlove na ang kaibigan ko?” dagdag pa niya habang may nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa kanyang labi.“Yan nga rin sana ang sasabihin ko e. Baka nga inlove na siya kay Jeffrey,” sagot ni Jillian at
Terakhir Diperbarui : 2025-08-08 Baca selengkapnya