Rosetta POV "Masakit bang makita kaming masaya?" pabulong na tanong ni Celeste sa akin na may halong pang-aasar ang tono ng pananalita niya. "Bakit naman ako masasaktan? Ex wife ka lang naman niya at nanay ni Zylia... ako ang asawa ngayon," sagot ko. Mahina siyang napatawa sa sinabi ko. Mahina lang pero nakakaasar. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Tama naman ako na ex wife lang siya at ako na ang asawa ni Nicholas kahit sa papel lang. "You're being delusional, Rosetta. Nicholas will never be yours," Celeste said. Napakunot ang noo ko habang tinitignan siya ngunit ngumiti lang siya sa akin sabay kibit balikat. Tinapik niya ang balikat ko at umalis na sa aking harapan upang maglakad patungo sa direksyon ni Nicholas at Zylia na naglalaro sa baril-barilan para makakuha ng stuff toy. What does she mean by that? She's the delusional one, not me. I know Nicholas and I are married, so technically Nicholas is mine. Unless... unless hindi totoo. But why would Nicholas lied
Last Updated : 2025-06-15 Read more