Ang ekspresyon ni Charlie na inaantok at naguguluhan ay biglaang napalitan na parang handa siyang umatake sa loob lamang ng tatlong segundo. Tumingin siya pababa, sinuri ang posisyon nila bago ibinalik ang atensyon sa kanya habang masama ang titig.Walang alinlangan siyang umupo sa kama, handa na ang mga braso para lumaban. Pagkatapos, bam! Sinuntok ni Charlie si Taylor, hindi lang isa kung hindi dalawang middle fingers, mainit init pa at sariwa, sa mukha niya mismo.“Woah, woah, kumalma ka, Tiger.” Nagmamalabis ang gulat na ekspresyon ni Taylor ng magtanong siya, “Sinong nagturo niyan sa iyo?”Charlie, “???”“Ang master ko,” sagot ni Charlie. “Sinabi niya sa akin mismo na gamitin ito sa mga taong nararapat, at ngayon, nararapat ito sa iyo. Sinasamantala ka? Ikaw ang nagpapasok sa akin—mali. Ikaw ang nang psycho sa akin para gawin ito!”Sumandal si Taylor, nagtanong siya, “Sina-psycho kita? Pinagmumukha mo itong masama.”“Oo,” sagot ni Charlie. “Ikaw—” sumenyas siya sa kanya, sa
Read more