“Ito ang una kong pagkakataon na panooring ang pag-eensayo ng Atomic Heat,” sambit ni Frank ng maupo sila. “Ang daming guwapo para tignan. Nahyhyper ako!”“Nandito lang ako para suportahan si Charlie,” sambit ni Mia.“Ako din,” dagdag ni Dawn habang tumatawa.Nagsimula ang pag-eensayo nila, at sa gitna nito, tumingala si Taylor at nakita si Charlie. Noong una, mukhang nagulat siya, pero pagkatapos, ngumiti siya.Ngumiti pabalik si Charlie, kumaway sa kanya ng kaunti, at bilang sagot, kumindat naman si Taylor.Bibiruin na sana ni Mia si Charlie ng unang magreact ang mga kaibigan ni Macy.“Oh, Diyos ko, Macy! Nginitian ka ni Taylor!”“At kumindat pa siya!”Agad na natawa si Macy. “Siyempre naman!”Charlie, “…”“Macy, ang suwerte mo na maging boyfriend si Taylor,” sambit ng isang babae.“Ang kapal ng mukha ng babaeng ito, nagkakalat pa din ng mga kasinungalingang boyfriend niya si Taylor,” bulong ni Frank, sumulyap siya pabalik.Ipinaliwanag na ni Charlie sa kanyang mga kaibig
Magbasa pa