"Oo nga sana, pero dahil tumawag ka, hindi na," sabi ko sa kanya, sabay ngiti kahit hindi niya ako nakikita. "Ikaw ang dahilan kung bakit gusto kong umuwi araw-araw. Hindi tulad dati… halos gusto ko nang manatili sa opisina at matulog na lang doon para makapagtrabaho.""Ibig mong sabihin… namimiss mo na ako?" tanong niya, may kasamang mahinhin na tawa, pero halatang may kilig sa boses."Gusto mo ba akong pauwiin ngayon na?" tanong ko, may halong biro pero umaasa na sana oo ang isagot niya. Makatanggap lang ako ng "oo", baka liparin ko pa ang daan pa-uwi."Nagtatrabaho ka pa, ayokong makaistorbo. Ayoko ring maging dahilan ng pagiging pabaya mo sa trabaho," tugon niya, biglang nag-aalalang tono."Kung alam mo lang kung gaano ko na gustong umuwi ngayon pa lang," bulong ko, "Kaso nag-alala ako na baka sisihin mo na naman ang sarili mo.""Hindi ko pipilitin na umuwi ka ngayon, pero bukas, siguraduhin mong akin ka buong araw," sabi niya, kunwaring mahigpit ang tono pero halata ang pananabik
Terakhir Diperbarui : 2025-07-07 Baca selengkapnya