Jared's POV Sa dami ng nangyari sa buhay ko, palagi akong may kontrol. Sa negosyo, sinisiguro kong laging ako ang nakakalamang, para sa kapakanan ko at ng kompanya. Kapag nag-focus ako, siguradong tagumpay at kita ang kapalit. Akala ko kaya kong gawin ang kahit ano. Akala ko, walang imposible. Masasabing mataas ang tingin ko sa sarili ko dahil palagi akong handang sumugal para sa mga desisyon sa negosyo. Pero ngayon, matapos kong makilala at mapalapit kay Colleen, doon ko lang napagtanto... na isa lang pala akong duwagg at hangal. Hindi ko pala kayang magsugal pagdating sa tunay na buhay. Pero si Colleen? Sadyang matapang. Lumaban siya, para sa sarili niya, at para sa buhay ng anak namin. Ilang taon na siyang may sakit, pero ni minsan, hindi siya nawalan ng pag-asa. Kahit mahina ang katawan niya, pinilit niyang magmukhang matatag. At ngayon, ang anak naming isisilang sa mundong ito ay dahil sa isang babaeng matatag, mapagmahal, at hindi makasarili. Habang sinasabi niya sa akin ang
Last Updated : 2025-07-25 Read more