“The judges are here! Lahat, tumayo!” sigaw ng isa sa mga security personnel habang nagkakagulo ang mga tao sa loob ng bulwagan.Tatlong tao ang pumasok at umupo sa harap, isang judge, isang clerk, at isang security officer. Tahimik ang lahat. Hindi ito isang karaniwang hearing, ito ay isang closed trial na pinagkasunduan ng dalawang makapangyarihang pamilya: ang pamilya Vargas at ang pamilya Rivera. Ayaw nilang lumaki pa ang iskandalo, kaya limitado lang ang mga pinayagang manood. Ang balita lang na lumabas sa media ay “Corporate Trial to be Held Under Confidential Proceedings.”Sa bandang kaliwa ng silid, nakaupo si Jasmine, kasama si Daniel na kumakatawan sa kanya bilang depensa. Sa kabilang panig, nakaupo si Ralph Advincula, ang nagsampa ng kaso, kasama ang security commander. Si Yohan Vargas, na asawa ni Jasmine, ay nasa witness stand, tahimik ngunit malamig ang tingin kay Ralph, parang handa itong sumabog anumang oras.Wala roon si Mr. Rivera o si Hannah, kahit sila ang dapat su
Last Updated : 2025-10-26 Read more