"HOW about, dito ka na lang mag-dinner," nakangiti kong paanyaya dito. "If it's okay, why not?" tila hindi makapaniwalang tugon nito sa'kin. "By the way, wala bang mga babaeng umaaligid sa'yo habang nakaratay ako sa ospital? Curious lang kasi ako, sa gwapo mong 'yan malabo na hindi ka natukso sa ibang babae," matapang kong tanong dito. "Kung mahal mo ang isang tao at handa kang maghintay, kahit sino pa 'yan, hindi ka kailanman matutukso. Mahirap kalabanin ang damdamin, Hera." Napayuko ako pagkatapos kong tanungin ito. Nilaro-laro ko ang aking mga daliri para alisin ang kaba na nadarama. Damn! "M-mahal mo talaga ako, ano?" medyo nauutal kong turan dito. Pagdakay dahan-dahang nag-angat ako ng tingin dito. Nagtagpo ang aming mga mata. Agad rin akong nagbawi ng tingin at ibinaling iyon sa ibang direksyon. Gusto kong tumakbo sa sobrang tense. "Yes, very much. Lahat kaya kong tiisin, kaya kong maghintay ng gaano katagal para sa'yo. Gusto kong ipakita sa'yo at ipadama na totoo ang
Terakhir Diperbarui : 2025-06-29 Baca selengkapnya