"Hey, relax," ani sa akin ng aking asawa. Kasalukuyang nasa isang ospital kami na pagmamay-ari ng kaibigan nito na isa sa pinaka-magaling na surgeon. "Kinakabahan lang ako, huwag na lang kaya, babe," ani ko rito. "Nandito na tayo, ngayon ka pa ba aatras? This is it, babe," nakangiting tugon nito sa akin. Damn! Kinakabahan talaga ako. "Alright," sagot ko sa asawa. Eksaktong lumabas ang ilang naka-white gowns na mga babae na lumabas mula sa operating room. Napalunok ako. No'ng nakaraang araw lang ako pina-schedule ng asawa at hindi ko akalaing ganito pala kabilis. "Sir, sa waiting area na lang po kayo maghintay," ani ng isang babae na nakasuot ng white gown. Tumango lang ang aking asawa, samantalang ako, naiwang kinakabahan. "Ma'am, pasok na po tayo. Huwag po kayong kabahan, relax lang po," nakangiting turan nito sa akin. "Honestly, kinakabahan talaga ako. Hindi na man siguro ako mamamatay hindi ba?" diretsang tanong ko rito. Napasapo ako sa sariling dibdib. Sh*t! Nenerbiyos pa ya
Last Updated : 2025-07-17 Read more