Awtomatikong napaatras ako at nagmamadaling bumalik sa living room. Nakasalubong ko si Harry. "Oh, ba't parang tila hinahabol ka?" takang tanong nito. "H-he's here, Harry!" bulalas ko."Mr. Acosta?" tanong nito. Napansin ko ang kakaibang ekspresyon sa gwapo nitong mukha. His jaw clenched. Naiintindihan ko ito. "Yes, anong gagawin ko?" tarantang turan ko. "Wala ka namang dapat gawin. Act normal. Huwag kang papatalo sa karupukan mo, Hera.""Okay, act normal lang ako 'yan ang gagawin ko. Sana magawa ko. Damn! Kinakabahan ako, Harry," hindi magkandatuto kong saad. "You need to fight. Alang-alang sa pride mo bilang babae. Narito lang ako nakaalalay sa'yo," seryosong sagot ni Harry sa akin. "Salamat. Pero, ayoko ng bumalik do'n," saad ko dito. Niyakap ako nito ng buong-suyo. "Relax and act like you didn't care at all," malumanay na tugon ni Harry. Pagdakay, hinaplos nito na may suyo ang aking buhok. Naririnig ko ang malakas na pagtibok ng puso nito. "I can hear your heartbeat," saad
Terakhir Diperbarui : 2025-07-09 Baca selengkapnya