Pagkaupo nila sa loob ng kotse, nagsimulang magsalita si Jenny habang nakatingin sa kalsadang tinatahak nila. “Alyanna, hindi pala nawala lahat ng mga antigong naipon ng Mama mo noong nagbukas siya ng antique shop. Marami pa ro’n, maayos pa rin ang lagay.”Napatingin si Alyanna, halatang nagulat. Pero hindi pa doon natapos si Jenny. “At isa pa,” dagdag nito, “ang totoo, hindi talunan si Tito Fidel sa sugal. Isa siyang God of Gamblers. Yung mga taon na akala ng lahat, talo siya nang talo, kunwari lang ‘yon. Ginawa niya para malinlang ang mga tao ng Almarvez Gang. Akala nila inutil siya, kaya hindi na nila pinagbantaan o tinarget kayo ng Mama mo.”Nanlaki ang mga mata ni Alyanna, parang natulala. Matagal siyang kumurap, tila sinusubukang iproseso ang narinig. “Ha? Si Papa… isa sa God of Gamblers?!” Napailing siya, hindi makapaniwala. “Eh halos araw-araw nga may naniningil ng utang sa kanya noon. Ang hirap paniwalaan, Jenny!”“Totong-totoo,” sabi ni Jenny, sabay kindat at ngiti. “Kung na
Last Updated : 2025-10-14 Read more