Ano na lang ang gagawin mo kapag nagising ka sa isang unknown room at kasama mo ang taong tinataguan mo for five long years? Isang sign ba ito to start over again or way ito para masira niyo ang buhay ng isa't isa?
View MoreSa Metro Hotel, sa isang presidential suite.
Isang gabi, lasing na lasing si Alyanna Suarez. Nakahiga siya sa malaking kama, init na init ang pakiramdam dahil sa sobrang dami ng alak na nainom niya. Halos wala na siyang saplot, kitang-kita ang makinis niyang balat at ang sexy legs niya. “May tao ba dyan? Ang init kasi! Gusto kong uminom ng tubig! Malamig na tubig!” Habang nagrereklamo siya sa init na kanyang nararamdaman, bigla niyang narinig ang pagbukas at sara ng pinto. Sa sobrang lakas noon ay nagulat siya at napatingin kung sino ang pumasok. Pero dahil sa sobrang kalasingan ay hindi na niya iyon naisip pa. Ang pumasok sa kwarto niya ay si Clark Denver Benitez. Isa sa pinakamayamang CEO sa bansa. Mayabang at kahit anong sabihin nito ay masusunod, isang salita niya lang ay lalago na ang negosyo. Sa sobrang kalasingan din ni Clark Denver, pagewang-gewang siyang nagtungo sa kama. Sobra rin ang init na nararamdaman niya kaya inalis niya ang kanyang neck tie pagkatapos ay inalis din niya ang butones ng kanyang polo. Matangkad ang lalaki at sobrang gwapo. Kahit sinong makakita sa kanya ay tiyak na magkakagusto. Tinanggal niya ang sapatos at tinapon ito sa sahig. Wala nang pakialam kung ayos pa ba ang itsura niya o hindi na. Ang importante sa kanya ay makatulog na lang dahil sa sobrang pagod niya. Hanggang sa.. Nakaamoy siya ng isang pabango, pabango ng isang babae. Kaya agad siyang nagtanong. “May ibang tao ba rito ngayon?!” sigaw niya. Pagtingin niya sa kama, tumambad sa kanya ang makinis na babae. Naka maskara ito kaya hindi niya kita ang kabuuang mukha ng dalaga. Nakalugay ang buhok na kulay itim nito at parang mahuhubad na talaga ang damit na suot nito. “Bakit may ibang tao rito sa kwarto?!” sigaw ni Clark pagkakita niya sa babae. Pero natigilan siya nang magsalita ang babae. “Sinong nandyan? Tulungan mo naman ako, sobrang init na,” mahinhin na tanong ni Alyanna habang nakapikit pa ang mga mata. “Huh? Wala ka nang pakialam kung sino ako. Hindi naman kita kilala,” sagot ng lalaki kahit na lasing na lasing na siya. Pagkatapos noon, naisip niya ang isang ideya. “Ah, ikaw ba ang ‘gift’ na sinasabi nila sa akin?” “Ganito ba talaga kayong mga cheap na babae? Bigla niyo na lang ibibigay ang sarili niyo sa lalaki, kahit na hindi niyo naman sila kilala?” tanong ulit ni Clark. Sa isip-isip ni Alyanna, hindi niya maintindihan kung anong sinabi ng lalaki. Ang importante sa kanya ay makainom ng tubig dahil sa uhaw na nararamdaman niya. “Huh? Anong sinasabi mo? Anong cheap?” tanong ni Alyanna, dahil sa sobrang hina ng boses niya ay hindi iyon napansin ni Clark. Ilang minuto pa ay lumapit na si Clark sa babae at hinaplos ang pisngi nito. Sa loob-loob ni Clark, sobrang kinis ng babae. Ang init na nararamdaman niya dahil sa alak na kanyang ininom ay umepekto na. Ilang minuto pa ay pinigilan niya ang kanyang sarili at nagtanong na lang sa babae. “Paano ba kita matutulungan?” pagkatanong noon ay nakatingin pa rin sa legs ni Alyanna si Clark kahit na nagtanong siya rito. “Tubig.. Tubig ang kailangan ko,” bulong ni Alyanna pero unti-unti niyang niyakap ang ulo ni Clark, sa pag-iisip na baka sa pagyakap niya sa lalaki ay maibsan ang init na kanyang nararamdaman. Sa hindi maipaliwanag na pakiramdam, hinalikan ni Clark ang babae. Ang halik na iyon ay madiin. Ang halik na iyon ay sobrang tamis. Isang halik na uulit-ulitin ng kahit na sinong makatikim. Sa hindi rin maipaliwanag na pakiramdam, si Alyanna ay sumunod din sa mga halik ng lalaki. Kahit madiin iyon ay naramdaman din ni Alyanna ang sarap sa bawat halik ng lalaki sa kanya. Sa sobrang kalasingan ay bigla na lang nawalan ng malay si Alyanna habang hinahalikan pa rin siya ng kasama niyang lalaki. *** “Aaah!” sigaw ni Alyanna. Nagising siya dahil sa isang pangit na panaginip. Nang tumingin siya sa paligid niya, nakita niyang nasa presidential suite siya ng Metro Hotel. ‘Huh? Paano ako napunta sa lugar na ito?’ tanong niya agad sa kanyang isip. Ilang minuto pa ay nakarinig siya ng ungol ng isang lalaki sa may likuran niya. “Hmmm.” Nang makita niya kung sino ang lalaking katabi ay nanlaki ang mga mata niya. Si Clark Denver Benitez ang katabi niya! Napahawak na lang siya sa kumot na nakapulupot sa kanyang katawan. ‘Paanong nangyari na nasa tabi namin ang isa’t isa?’ paulit-ulit iyon sa isip ni Alyanna. Pagsilip niya sa kumot, nakita ni Alyanna ang hubad niyang katawan. Ibig sabihin, hindi lang sila magkatabi kagabi, kung hindi may nangyari pa sa kanilang dalawa. Ilang minuto pa ay nakaramdam ng pananakit ng katawan si Alyanna. Para bang binugbog siya ng sampung tao. ‘No! Hindi pwedeng mangyari ito! Palagay ko, panaginip lang ito. Masamang panaginip!’ Lalo lang siyang nainis nang makita ang hawak niyang maskara. Naitapon niya bigla ang maskara dahil sexy mask pala itong hawak niya. Unti-unti na niyang naalala ang lahat ng nangyari kagabi. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman. Ang naalala niya, pinadala siya ng kumpanya nila sa isang nightclub para sikretong i-film ang isang movie star at isang mayaman at kilalang businessman. Kasama niya ang co-worker na si Kira Hidalgo kagabi para sa mission nila roon, pero nagyayang mag-inom si Kira at napalaban siya. Sa isip-isip niya, baka may pampatulog na nilagay si Kira kaya siya napunta sa ganitong sitwasyon? Pero bakit? Ano naman ang mapapala ni Kira kung gawin niya iyon? Sa pag-iisip nito, nagulat na lang siya nang may yumakap sa kanya. Amoy na amoy ni Alyanna ang alak mula sa bibig ni Clark. “Grabe naman! Ang gwapo niya pero ang baho naman ng hininga! Ganito ba talaga kami kalasing kagabi?” Dahan-dahan niyang inamoy ang sarili, bad breath din siya! Napatakip siya ng ilong dahil sa sobrang baho ng amoy ng bibig niya. Pero namuo ang takot sa kanya nang maalala na si Clark nga pala iyon. Alam niya na kapag nagising ito at nakitang magkatabi sila ay mayayari siya. Kaya unti-unti niyang kinuha ang kanyang damit at aalis na sana sa presidential suite ng Metro Hotel.Sinipsip ni Alyanna ang mga labi ng asawa na para bang candy, walang tigil ang malikot niyang dila. Galit na galit, bumaon ang kanyang matatalim na ngipin at kinagat ito nang mariin. Agad kumalat sa hangin ang amoy ng dugo.Sa kapilyahan ng munting babae sa bibig niya, biglang sumiklab ang dugo ni Clark. Malalim siyang huminga, hinawakan ang ulo ni Alyanna at mabilis na yumuko upang ipulupot ang kanyang dila sa dila nito.Ang kanyang halik ay walang bahid ng lambing, mabangis, mapusok, parang unos na walang tigil, iniwang walang laban si Alyanna.Pinabayaan na lang niyang halikan siya nito, blangko na ang kanyang isip noong mga oras na iyon.Nang halos maubos ang hangin sa kanyang bibig, namula ang kanyang mukha sa hirap ng paghinga. Bahagya niyang inangat ang kamao at marahang tinapik ang dibdib ng asawa.Napilitan si Clark na alisin ang labi mula sa kanya, kahit may pag-aatubili. Kinagat-kagat pa nito ang kanyang mapupulang labi bago nagsalita, malamig at mababa ang boses.“Hindi mo
Sumagot si Jenny sa seryosong tono, “Ako ang magiging confidant mo at tutulungan kitang maging isang makapangyarihang tao.”Natigilan si Alyanna at bahagyang naantig. Matagal na niyang pinapangarap na magkaroon ng isang taong sa kanya lang lubos na nakatutok.“Ano’ng kapalit ang gusto mo?”“Protektahan mo ako habang-buhay,” casual na sabi ni Jenny. Hindi naman siya humiling ng sobra; ang nais niya lamang ngayon ay makalaya sa gapos at gulo ng pamilya ni Quinn.“Sige.” Tumango si Alyanna.Napatingala si Jenny sa kanya, tila nagulat. “Pumayag ka na agad-agad sa gusto ko?”“Oo.”“Hindi mo man lang ba iisipin muna ang tungkol dito? Alam mo na, baka nagugulat ka lang.”Ngumiti si Alyanna na may halong biro. “Kung handa kang ipagsapalaran ang buhay mo para sa akin, bakit pa ako magdadalawang-isip, hind ba?”Hindi pa rin makapaniwala si Jenny noong mga oras na iyon. “Alam mo ba kung ano ang ibig sabihin nito?”Napangiwi si Alyanna. “Magiging kaaway lang naman natin ang pamilya ni Quinn. Eh m
“Talagang matalino ka, Alyanna. Agad mong nakita ang lungkot sa aking mga mata. Alam mo agad na may pinagdadaanan ako.” Ngumiti si Jenny kay Alyanna at magalang na nagsalita. “Kailangan mo ba ng tulong ko? Kahit ano, gagawin ko dahil lagi mo na lang akong nililigtas.” “Oo.” Dahil marami nang nasabi si Alyanna, hindi na nagpaligoy-ligoy si Jenny sa pakay niya at diretsahang nagsabi, “Alyanna, sa totoo lang, dahil sa nangyari noong iniligtas kita at nasaktan si Quinn, pinalayas nila ako mula sa pamilya namin.” Bahagyang tumaas ang kilay ni Alyanna. “Hindi nga? Parang sobra naman ‘yon. Dapat ba talaga ay gawin pa nila iyon sa’yo?” Wala lang naman kundi ang pagsira sa masamang balak ni Quinn kay Alyanna at pinalayas agad siya ng pamilya nila? Para yatang OA naman iyon. Alam ni Jenny na hindi sapat ang mga sinabi niya, kaya agad niyang sinabi ang totoong dahilan. “Sa katunayan, hindi ako tunay na kapatid ni Quinn kaya ganun ang nangyari. Ampon lang nila ako. Inampon nila ako dahil
Isang makapal at masculine na amoy ang tila pumasok sa kanyang pandinig, mainit, nakakakiliti at wari’y nanunukso.Napakunot ang noo ni Alyanna at mabilis na umatras ng isang hakbang.“Tungkol sa kasal ko kay Clark,” diretsong tanong niya habang nakatitig sa mga mata nito, “paano mo nalaman ang tungkol doon?”“Miss Suarez, wala namang lihim na hindi nabubunyag,” sagot ni Ralph, dahan-dahang lumalapit.Agad na nag-ingat si Alyanna, umatras at binalaan siya.“Mr. Ralph Sy, wala pang balak ang asawa ko na ipahayag ang aming kasal. Masama ang ugali niya, kaya ipinapayo ko na huwag mong ipalabas ang bagay na ito. Kung hindi, hindi lang ikaw ang hindi niya patatawarin, pati ang buong pamilya mo ay madadamay.”“Ha…” Napangisi nang mapanlait si Ralph habang palapit nang palapit. Sa ilang hakbang lang, naitulak na niya si Alyanna sa pader at naipit doon.“Akala mo ba natatakot ang pamilya ko sa kanya? Bakit? Sino ba siya?”Mariing itinulak ni Alyanna ang lalaki.“Hindi ko alam kung natatakot
Hindi inakala ni Alyanna na babalik siya sa dati niyang trabaho bilang isang entertainment reporter at lalong hindi niya naisip na ang una niyang assignment mula sa kanyang boss ay ang makapanayam ang isang artista na si Kim Lee.Sikat na sikat si Kim Lee sa mundo ng showbiz. Katulad ng biglaang pagsikat ni Lou, siya rin ay sumabog ang kasikatan nang magdamag at agad nagkaroon ng napakaraming tagahanga. Kilala rin siya bilang mayabang, mahilig magpasikat, at palaban sa mga bashers niya.Maraming reporter na nakapanayam siya ang umamin na mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa ma-interview siya ulit. Ganito kahirap pakisamahan si Kim Lee.Ang ideya na ito ng kanyang unang assignment ay nagbigay ng matinding sakit ng ulo kay Alyanna.“Miss Suarez, andito na tayo,” tawag ng cameraman habang binubuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.Dahil abala pa si Kim Lee sa paggawa ng bagong drama, sa mismong set gagawin ang interview nila. Si Kira, na sumama kay Alyanna, ay may hiwalay na iniinterv
Walang isa man sa opisina ang naglakas-loob na magsalita. Kita ng lahat na galit na galit ang direktor, at kung sino man ang unang magsasalita, siguradong madadamay sa gulo. Sa sandaling iyon, biglang pumasok si Alyanna sa opisina ng News Department. "Pasensya na, nalate po ako," hingal niyang sabi habang nakatayo sa may pintuan, magulo ang buhok at pawis na pawis. "Director, siya po ang bagong reporter na kinuha kahapon ng HR department, si Alyanna," sabi ng isa, sadyang malakas ang boses para marinig ng lahat. Kumunot ang noo ni Alyanna at agad na tumingin sa pinanggalingan ng boses. At ayun nga, si Kira, ang mortal niyang kaaway. Talagang kapag minamalas ka, kahit saan ka lumiko, andiyan ang mga taong ayaw mong makita. Tumingin ang director kay Alyanna na may halatang pagkainis. "Bawasan ng sampung puntos ang performance score ng babaeng iyan. Huwag ka nang malelate ulit." Huminga nang malalim si Alyanna at napangiti ng bahagya. Mabuti na lang at hindi siya natanggal. Nap
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments