Nanatili pa ng isang araw si Amber sa mansyon ng mga Lee. Habang si West naman ay hindi na niya nakita simula ng iwanan niya ito sa kanilang kwarto—thinking that he really went to Zendaya to give him a child.“Kung maka-request ng anak, e parang marunong mag-alaga!” Naiinis na usal ni Amber habang minamaneho ang sasakyan papunta sa bahay ng kanyang tiyahin.Buong maghapon ay tinutulungan niya si Mrs. Lee sa mga kailangan nito, pero nang masigurong maayos na ang lagay nito—malusog, nakangiti, at masigla na ulit—ay nagpaalam na siya.Bukas ay bisperas na ng bagong taon. At kailangan niyang maghanda—hindi lang para sa salu-salu, kundi para sa bagong simula.Sa kanyang pagdating, masayang sinalubong siya ni Eliza Rivera na may mainit na yakap at ngiti sa labi. Sa sala, naka-on ang malaking flat screen TV, kung saan kasalukuyang ipinapalabas ang live coverage ng Fashion Week sa Milan.“I’m so happy that you’re here by my side, Amber,” masayang wika ni Eliza habang nanonood sila ng Fashion W
Huling Na-update : 2025-07-06 Magbasa pa