Pagkarating nina Amber at West sa bahay ng pamilya Lee, hindi na nag-aksaya ng panahon si Amber. Mabilis ang kanyang hakbang, halos hindi makasabay si West habang tinutungo niya ang master’s bedroom.Sa pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Mr. Lee, ang malamig nitong ekspresyon ay agad nagbigay ng kaba sa kanyang dibdib. Napaatras si Amber nang sumilip sa silid at makita ang ginang—balot na balot sa makapal na comforter, tila ba nilalamig kahit naka-set sa warm temperature ang silid. Nakapikit ito, maputla, at tila nanghihina.“Anong nangyari kay Mommy?” mahinang tanong niya, ngunit ramdam ang panginginig ng boses.Hindi siya sinagot ni Mr. Lee. Sa halip, tinapunan lang siya nito ng matalim na tingin at marahang itinuro ang corridor."Sumunod ka."Tahimik na sumunod si Amber, habang si West ay naiwan sa hallway, tila alam na ang mangyayari. Nang makarating sila sa study room, pumasok si Mr. Lee at umupo sa tapat ng study table, habang nanatili si Amber na nakatayo, tahimik ngunit
Last Updated : 2025-07-05 Read more