NAPATITIG SI AMBER sa invitation card saka humigpit ang hawak niya roon. Kung balak niyang tumakas, ay pwede niyang gamitin ang kasal na gaganapin, pero hindi maaari sa kastilyo. Mabuti na lang ay pumayag si Darius sa kagustuhan niyang sa simbahan gaganapin ang kasal.Nailukot niya iyon. “Kailangan kong makatakas.”NIGHT, ISLAND.Sa ilalim ng mga bituin, unti-unting lumapit ang ilang barko sa dalampasigan. Mula sa katahimikan, unti-unting naging maingay ang paligid—mga taong nagsasaya, sumisigaw, sumasayaw.Sa pinakadulo ng baybayin, bumaba ang halos dalawampung katao mula sa isang barko. Pinangunahan sila ng lalaking nakasuot ng itim at may sombrero, nakayuko ang ulo at tahimik na nakihalubilo sa karamihan.Ilang minuto pa, nasa loob na sila ng isang kilalang bar sa isla—maingay, puno ng ilaw at alak. Pagkapasok, mabilis na pumuwesto ang grupo sa paligid. Hindi halata, pero kontrolado na nila ang lugar.Diretso sa counter ang lalaking naka-windbreaker. Tahimik niyang tinapik ang me
Huling Na-update : 2025-08-02 Magbasa pa