KINABUKASAN.Pagkatapos mag-agahan kasama ang matanda at bago bumaba ng sasakyan, tinawagan agad ni Maverick ang ina. Kita ang ngiti sa kanyang labi habang hawak ang smart watch.“Mom, we agreed you’d pick me up later, right?”Pagdating sa tapat ng eskwela, yumuko siya sa driver.“You don’t have to come later. Mom will pick me up.”“Opo, young master,” sagot nito bago umalis.Suot ang malinis, plantsado, at halos walang gusot na dark blue school uniform, taas-noo siyang naglakad papasok ng campus. Tahimik pero kumpiyansa ang kilos niya. Pagpasok sa classroom, agad siyang sinalubong ng grupo ng kaklase—usapan tungkol sa laro kagabi, biro, at ilang tanong sa takdang-aralin.Maya-maya, pumasok na ang guro.“As usual, Maverick got first place for the monthly exam. Everyone should learn from him. The high school entrance exam is just around the corner—study hard, take him as your example.”HAPON. P.E CLASS.Magaling si Maverick sa academics at sports, kaya hindi na nakakapagtaka na siya aga
Terakhir Diperbarui : 2025-08-09 Baca selengkapnya