Papayag ba si Zavian o hindi? Ano kayang pinaplano ni Zendaya? Your comments and feedback are always appreciated—they truly mean a great deal. Thank you for reading, and I hope you have a wonderful day~ ✨🫶🫶🫶
Pumarkada nang maayos ang orange Bentley Continental sa courtyard. Hindi na hinintay ni Amber na pagbuksan siya ni Jacob; mabilis siyang bumaba, at agad na pumasok sa villa.Ano na naman kaya ang gustong pag-usapan ng matandang Lee sa kanya?Pagdating sa tapat ng study, itinaas niya ang kamay para kumatok nang may marinig siyang mahinang boses mula sa loob.“Sa border… Wewe…”Napakunot ang noo niya. “Wewe? West?”Napakunot siya. Wewe? West? Baka napag-uusapan lang ang apo? Pero may kakaiba sa tono, kaya bahagya siyang yumuko, halos pigil-hininga, nang biglang bumukas ang pinto.Nanlamig siya nang makita si Warren Markus Lee—pinsan ni West—buzz cut, naka-itim na shirt na hapit sa matipuno niyang katawan, at matalim ang tingin.“Anong ginagawa mo rito?” Malamig ang boses na tanong sa kanya ng lalaki.Bakit nandito ang pinsan ni West?“Inutusan ako ng matanda na pumunta,” mahina niyang sagot, medyo alanganin.“Dumating ka na pala, Amber,” sigaw ng matanda mula sa loob ng study. “Come in.
Tahimik na nakaupo si Zavian sa study room, iniikot ang wine glass sa kamay nang tumunog ang cellphone.Lalong dumilim ang ekspresyon niya nang makita ang pangalan. Sinagot niya matapos sumimsim ng alak.“Why are you calling?” malamig na tanong ni Zavian sa kausap.Tawa ng babae ang kanyang narinig mula sa kabilang linya. “My, how cold,” wika nito na may panunuya ang boses. “Mr. Lacoste, how about we make another deal?”“Another deal?” bumaba ang tono ni Zavian. “Since when did we make a deal?”“My, my. Let’s not pretend,” ani Zendaya. “Ikaw ang nagpadala sa’kin ng impormasyon para masira ang kasal nina Amber at West. And now, after using me, you want to wash your hands of me? Tsk.”Tahimik lang si Zavian, habang marahang tinatapik ang mga daliri sa lamesa.“If Amber knew you were such a hypocrite, ano kaya iisipin niya?” she chuckled full of amusement. “She was shattered nang malaman niya ang totoo. Balita ko nga, nahimatay siya pagkalabas ng box.”Nanatiling kalmado si Zavian.“You
MAKULIMLIM ANG LANGIT at bahagyang umaambon. Sa gilid ng kalsada isang orange na Bentley Continental ang tila ang nakaparada. Sa loob no’n ay isang babae ang nakasandal, nakasuot ng malambot na beige knitted dress, bahagyang nakapikit habang nagpapahinga, bakas ang pagod sa kanyang mukha.Tahimik ang loob ng sasakyan hanggang sa tumunog ang kanyang cellphone. Sinagot niya iyon ng walang tingin sa caller ID, inaasahan na si Therese ang makakausap nito, pero nang marinig ang pamilyar na tinig ay napadilat siya.“Zendaya Madrigal,” bati niya.Kahit pagod ay bahagyang napaangat ang gilid sa kanyang labi. “What’s the problem?” She asked, kahit na alam naman niya talaga kung anong pakay ng babae.“You rejected my project plan?” Malamig ang boses ang narinig ni Amber, tila mas malamig pa sa ulan sa labas.Napailing si Amber. Hindi niya inaakalang tatawag na ngayon ang babae matapos nitong i-reject ang proyektong gawa ni Zendaya, hindi lang isang beses kundi maraming beses na, pero ngayon la
NANG MATAPOS ang trabaho ni Amber ay agad din itong nagtungo sa mansyon para mabisita ang ina, pero kasalukuyan itong natutulog.“She’s been sleeping all day. Gusto niyang lumabas ng bahay pero pinigilan ko siya,” wika ni Mr. Lee, bakas ang lungkot at pagod sa mukha habang pinagmamasdan nilang dalawa ni Amber ang natutulog na ginang. May bahagyang guhit ng guilt sa pagitan ng kanyang mga kilay.“Then maybe we should let her out, kahit paminsan lang,” maingat na mungkahi ni Amber, nakatingin sa payapang mukha ng ginang. “Baka makatulong sa kanya… sa pakiramdam niya.”“I can’t,” wika ni Mr. Lee sa mahinang boses.“We can,” giit ni Amber, bumaling sa kanya. “Magsama na lang tayo ng maraming bodyguards kung safety ni Mommy lang ang iniisip mo.”Natahimik si Mr. Lee, tila nag-aalangan. Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Napabuga ito ng hangin nang makita kung sino ang tumatawag, halatang ayaw niyang sagutin, pero ginawa pa rin niya.“Hindi pwede.”Matapos sabihin i
MARAHANG HINIHILOT ni Amber ang sentido dahil sa pananakit nito ng hindi siya makatulog buong gabi.Ngayon ay maaga itong umalis sa bahay ni Natasha dahil sa mga trabahong nakatambak para sa kanya. Gusto niyang matapos agad para mabisita ang ina at masamahan.Pero habang nagtatrabaho ay bigla nalang niya naalala ang nangyari kagabi. Ang usapan nila Zavian.“I thought I could wait any longer, Lulu,” mahinang sabi ni Zavian, ngunit halatang may bigat sa boses. Nasa mga mata niya ang halong pagkalito at determinasyon. “Pero naisip ko… wala namang masama kung liligawan na kita ngayon, right?”Bahagyang napasinghap si Amber. “Zavian… I—”Pero agad niya ring isinara ang bibig nang makita kung paano siya tinititigan nito—mata na parang pilit binabasa ang puso niya.“No pressure,” dagdag ni Zavian, bahagyang ngumiti at sumandal sa inuupuan. “You don’t have to say ‘yes’ right away. Just… let me court you.”“Hindi mo naiintindihan,” mahinang sagot ni Amber, halos pabulong. “Hindi ito gano’n kada
Napailing si Amber. “Wala pa sa plano ko, Asha. I’m not ready.”Napakagat siya ng labi at tinitigan ang kaibigan. “Ayokong saktan si Zavian. Kahit sabihin nating tapos na ako kay West, masakit pa rin, Asha. Hindi lang siya basta iniwan ako—binutas niya ‘yung buong pagkatao ko. Ang laki ng sugat na iniwan niya, at sa totoo lang, hindi ko alam kung gagaling pa ba. Kaya please, huwag mo akong i-push kay Zavian. Ayoko siyang gawing panakip-butas.”Napairap si Natasha. “Hindi siya panakip-butas, Amy. Kung tutuusin, si Zavian talaga dapat ang naging asawa mo kung hindi lang sinira ni West ang lahat.”“Isa pa,” dagdag pa nito, “kung panakip-butas man o hindi, he doesn’t care. You know how patient and kind he is. Tanggap ka niya, kahit durog-durog ka.”Iyon ang kinakatakutan ni Amber.Alam niyang masyadong mabait si Zavian. Masyadong mapagbigay. At baka dumating ang araw na siya pa mismo ang makasira sa lalaki—hindi dahil gusto niya, kundi dahil sobra siyang mahal nito.He was destroyed once b