NANG MA-APPROVE ang project ni Zendaya, tinawagan niya si Zavian para magpasalamat. Medyo natagalan bago ito sumagot, at malamig ang boses.“Ano ’yon?”“Nothing urgent,” aniya, sabay pasasalamat. “If this succeeds, I’ll make sure you get a profit-sharing contract.”“Hindi na kailangan,” flat na sagot nito. “Sabi mo tutulungan mo kami magkaayos. So… anong plano mo?”Napangiti si Zendaya nang siya na mismo ang lumapit, kahit hindi na niya kailangang banggitin. Hindi siya takot sa requests—ibig sabihin nito, may leverage siya. Kapag may hinihingi, may mabubuksan na pinto, at mas tumitibay ang partnership.“Ang problema sa inyo ni Amber,” she started. “…Masyado na kayong matagal magkakilala. Familiarity kills the spark. Don’t keep chasing. Don’t don’t ignore her either. Kailangan lang ng catalyst—para makita ka niya sa ibang anggulo. It’s a balancing act. Follow my lead, and she’ll be within reach.”Hindi niya binigay ang iba pang nalalaman. She still didn’t fully trust him, and if he got
Terakhir Diperbarui : 2025-08-12 Baca selengkapnya