SIERRA HOSPITAL, MANILA - EMERGENCY PASSAGE.Pagkasara ng pinto, mariing hinila ni Amber si Anastasia at ibinangga sa malamig na pader. Malakas na sumalpok ang likuran nito sa pader, kasabay ang mahinang ungol ni Anastasia.“Tsk. Dahan-dahan naman!” daing ng babae.Pero walang pakialam si Amber. Mahigpit ang pagkakadakma niya sa balikat ng babae, pinipilit itong ipako sa pader. Muling sumagi sa isip niya ang imahe ng batang halos buto’t balat, nakaratay sa kama, habang paulit-ulit umuukilkil ang mga salita ng doktor, mas lalong kumulo ang dugo niya.“Anong ginawa mo kay Finn?” mariin niyang tanong, halos pabulong pero puno ng galit.Bahagyang tumaas ang kilay ni Anastasia, saka ngumisi. “Wow, ang tapang mo ngayon ah. Bagong version. Pero wag mong baliktarin, Amber. Ang pag-uusapan natin—kung ano’ng ginawa ng anak mo sa anak ko. Kung hindi, baka magising ka na lang isang araw, criminal na ang anak mo. May record. May lifetime stain. Imagine that.”Napakalma ni Anastasia, as if they’re j
Terakhir Diperbarui : 2025-08-20 Baca selengkapnya