PAUWI NG STUDIO si Amber nang nakatanggap ito ng tawag mula sa kanyang biyenan—Meredith Lee.Napabasa ng labi si Amber bago sagutin ang tawag. Sumalubong sa kanya ang masiglang tinig ng ginang."Amy~ Amy~" masiglang tinig ng matandang babae ang sumalubong sa kanya, puno ng pilit na lambing. "Christmas and New Year is coming up, the family banquet is almost ready na, dear. You’ll come tonight, right? Para makapag-decide tayo kung anong mga pagkain ang ihahain—of course, I didn’t forget your favorite food~"“Mommy,” bati ni Amber saka pumilit na ngumiti. “Pasensya na po, Mom, pero may inaasikaso pa po ako ngayon. Masyado pa po akong busy.”“Oh com’on, Amy.” May bahid ng tampo ang boses ni Mrs. Lee, pero bakas ang kontroladong tono. “It’s holidays! Who words on holidays? Isa pa, it’s our tradition. You’ve always helped me in preparation, dear.”Napakuyom ng manibela si Amber habang nagmamaneho. Oo, tradisyon nga. Pero isa rin iyon sa pinakamatinding pasakit sa loob ng pitong taong pagsasa
Huling Na-update : 2025-06-28 Magbasa pa